Canvas 7 - An array of colorful people

2.2K 90 32
                                    

Bumangon ako sa higaan ko at narinig kong may kumakatok. Pawis na pawis ako ng malamig at ang sakit ng lalamunan ko. Binuksan ko ang ilaw at napadaan ako sa may salamin at nakita ko ang sarili ko. Mugto na naman ang mga mata ko. I had a nightmare again. And I was crying and screaming in my dream.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto. Tiningnan ko ang nasa labas. Si Jared. Binuksan ko ng bahagya ang pinto. Hindi kasi ito mabubuksan ng malaki dahil na rin sa chain.

"Yes?" Tingin ko sa kanya at tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa.

"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong nito.

"Nangyari?"

"You were screaming. Rinig na rinig kita mula sa labas. Anong nangyari sa'yo?" Umiling ako. "Ano iyon trip mo lang sumigaw? Baliw ka ba?" Inis pa nitong salita.

"I am sorry to bother you. It...it was just a dream." Salita ko na lang. Kahit na gising ako I am still haunted by the dream. Hindi na naman ako nito makakatulog.

"Panaginip pero kung makasigaw ka parang may gustong pumatay sa'yo?"

Napatitig ako sa sinabi niya. Pumatay sa akin? Why would someone kill me? Am I bad person? Am I bad friend? A bad wife? May mga nagawa ba akong masama para kamuhian ako ng mga tao?

"Leah?!" Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Jared.

"Ha?"

"Why are you crying all of a sudden?" Hinawakan ko naman ang pisngi ko at basa ito. Kaagad kong pinunasan ang mukha ko at ang mata ko ng luha. "Is there something wrong?" Umiling ako.

"Wa-wala..Sorry kung naabala kita. Sige, sige na." Pinilit kong sinarhan ang pinto at mabuti na lang na hindi na ito umalma.

...
"Magandang umaga, Leah. Kamusta ka?" Maagang bumungad sa akin si Nanay Maria at may dala itong pandesal, gatas at kesong puti. Pinatuloy ko si Nanay Maria sa bahay.

"Okey naman po. Salamat po sa almusal." Kumuha ako ng dalawang baso para sa gatas at nilagyan ko iyon. Naupo naman si Nanay Maria sa maliit na dining table ko.

"Totoo ba anak? Baka meroon kang gustong pag-usapan. Alam kong maaring kakakilala mo pa lang sa akin pero mapagkakatiwalaan mo ako. Pwede mo akong kausapin." Magtiwala? Big word. Capable pa ba akong gawin ang salita na iyon?

"Wala naman po. Pupuntahan ko na lang po kayo kapag may itatanong ako." Pilit kong ngiti rito. Tiningnan lang ako nitong mabuti bago ito ngumiti.

"Sinabi ni Red kasi na sigaw ka raw ng sigaw kagabi. Hindi mo naman daw sinabi kung bakit. Kaya nga pinapunta niya ako ngayon para kausapin ka." Napatitig naman ako ng matagal kay Nanay Maria. At nabanggit pala iyon ni Jared. Bakit naman niyang naisipan na ipakausap ako sa matanda?

"Masamang panaginip lang po." Paliwanag ko. Totoo naman na nagkaroon ako ng masamang panaginip pero ang rason bakit ako nagkakaroon ng ganoon ay labas na sa pag-uusap namin.

"Pwede mo bang ikwento sa akin? Pwede akong makinig." Tumitig ulit ako kay Nanay Maria at ngumiti ito sa akin. Ramdam ko ang concern niya pero sa bagong buhay ko na ito ay hindi ko nahahayaan may makaalam ng mga pinagdaanan ko.

"Wala po talaga. Masamang panaginip lang." Tiningnan naman ako nitong mabuti. Umiwas na lang ako ng tingin at kumain ng agahan.

"Pasensiya ka na kay Red kahapon. Mabait naman iyon. Minsan lang talaga meroon tayong tinatawag na bad days at mukhang kahapon ay isa sa mga bad days ni Red."

"Okay lang naman po Nay." Salita ko. "Totoo naman pong lahat ng mga sinabi niya tungkol sa akin wala po akong alma roon." Uminom ako ng gatas. Pansin ko naman na nakatitig ito sa aking mabuti.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now