Canvas 9 - Light

1.6K 88 40
                                    

I was busy in the afternoon sketching in detail every event that took place this day. I was engrossed with it that I forgot that it was already evening. Napuna ko na lang ng mapansin kong madilim na ang bahay at hindi ko na masyadong makita ang ginagawa ko. It has been a long time that I've felt this feeling of getting lost in my art. This is a part of me that gradually vanished when I got married. Umiling na lang ako. I shouldn't be thinking about it anymore.

Nahiga ako kama. Exhausted but there is something in me that is revived. I felt a positive feeling arising in me. Could it be that I am starting to feel happiness again?

I closed my eyes and breathed deeply. I moved the two corners of my lips up. Feeling the positive vibes. And then there was knocking at the door. Napamulat ako.

Bumangon ako at narinig ko ang steady na pagkatok. Tumingin ako sa peep hole ng pinto. Si Jared. Biglang bumalik sa alaala ko ang pag-uusap na sinasabi niya. Huminga muna ako ng malalim at hinanda ang sarili bago binuksan ang pinto.

"Hi." Bungad ko sa kanya. Tumingin lang ito sa akin. He looked very wasted. Hindi ko alam kung paano mangisda pero palagay ko ay mahirap iyon dahil sa itsura niya. At bukod sa pagod na itsura niya ay ang amoy niya. Amoy isda siya. Malansa.

"I will clean up first then we'll talk." Tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko naman alam bakit nagpunta muna siya rito at sinabi iyon kesa pumunta na lang mamaya matapos niyang maligo. "I am very hungry. Prepare something for me to eat." Bago pa ako nakapagreact ay tinalikuran ako nito. Napailing na lang ako. Leah, magpagood shot ka sa landlord mo kahit isang beses lang. You owe him because he took care of you last night and even cooked porridge for you.

Madali akong nagluto ng kanin dahil sa sinabi niya at ininit ang lechon na binigay sa akin. Mabuti na lang talaga ay binigyan ako nito kundi ay itlog lang ang mapapakain ko sa kanya.

While waiting I was preparing my speech that I will say to him. I'll tell him that I am really going to find a new place if he could just give me another week and if I really cannot find a new lodging then...then I'll just leave this place, this island. Balita ko kasi kay Nanay Maria ay mahihirapan akong makakuha ng mauupahan ng matagalan dahil kalimitan ay transient lang at madalian ang upahan. Gaya ni Jared ay ayaw nila ng matagal na nakatigil at mas mapapamahal naman ako kung sa 'hotel' o 'inn' ako titira dahil mahal ang arawan doon at limitado lang ang resources ko sa ngayon.

I heard a knock on the door and it was Jared. Nakaligo na nga ito at mukha na itong fresh. Malaki ang pinagbago sa itsura at amoy niya kanina.

"I'm hungry." Bungad niya at pumunta agad sa mesa. Nakahanda na doon ang lechon at nagsandok na lang ako ng kanin. Nilagay ko sa may mesa ang kanin at hinintay siya na kumain. "Hindi ka pa ba uupo?" Naupo na lang din ako. Wala sana akong balak na sabayan siya kumain pero wala na akong choice. Nakatingin siya sa akin at pinagmasdan ko lang din siya pabalik. Maya-maya ay pumikit ito at tumungo. It took him ten seconds before he ate. Sa palagay ko ay nagdasal pa ito at hindi ko naman lubos maisip na nagdarasal ito bago kumain. He ate like he has not eaten for two days. I was taking my time chewing my first spoon of rice but he was already eating ten or more than spoonfuls of rice and the lechon. Ganito siya kagutom. Nagsalin ako ng tubig at binigyan siya. Para kasing mabubulunan siya sa dami ng nilalagay niya sa bibig niya at kinuha niya iyon at ininuman at inubos. Sinalinan ko na naman siya. Jared Wilson. Hindi ko lubos maisip na ang Jared Wilson na akala ko ay napakaproper ay ganito sa harap ko ngayon. Pero bukod pa doon ay nandito siya sa lugar na ito kung saan wala masyadong property na pwedeng idevelop. Ano nga kayang rason bakit nandito ito?

We didn't talk while eating and I didn't mind. Seeing him eat was enough reason for me not to talk. At isa pa ayokong ako ang magset ng agenda ng pag-uusap. I'd rather wait for him to talk.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now