Canvas 32 - Sfumato of Her Heart (Last Part)

1.9K 99 15
                                    

Magkahawak kamay kaming naglalakad patungong bahay at walang magsasalita sa amin. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. He again assured me of his love and patience and all I did was to nod.

Nakasalubong namin si Beth sa tapat ng bahay na tinutuluyan ko at halata ko ang worried look sa mukha nito. Tumango ako sa kanya. Palagay ko ay halata niya ang namamaga at namumula kong mga mata.

"Leah, please huwag mo ng uulitin iyon." Nauna ng nagsalita si Beth. Hindi sa pinapagalitan niya ako kundi nagsalita siya na may pag-aalala.

"Sorry." Mahina kong tugon sa kanya. Huminga ng malalim ito.

"Tara na sa loob ng makapag-almusal." Salita pa ni Jared at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

Pumasok na kami kasama si Beth sa loob ng bahay. Tumuloy ako sa higaan ni Jared na hindi pa niya naliligpit dahil na rin siguro sa paghahanap sa akin at naupo roon at sinaplot ang kumot sa katawan ko. Nilalamig ako. Amoy ko ang scent ni Jared sa kumot.

Tumuloy naman si Jared sa kusina samantalang si Beth ay naupo sa tapat ko.

"Saan ka nagpunta?" Mahinang tanong nito sa akin. Tumingin lang ako kay Beth at hindi nagsalita. Tiningnan niya lang din ako ng mataman bago siya nagbuntong hininga. "Please Leah kung may gusto kang puntahan sana sabihin mo sa akin o kaya ay sa kanya." Tingin pa ni Beth sa likuran ko at lumingon ako at nakita ko si Jared na nagpeprepare ng pagkain.

"Sorry. Pasensiya na. Alam kong maari kang masisante ni Daddy dahil sa ginawa ko." Tumingin siya sa akin mabuti at umiling.

"It is more than that, Leah." Halos hindi ko narinig ang sinabi niya sa hina. "Halata ko ang takot at alala sa kanya." Bulong nito sa akin at sumulyap kay Jared na abala sa ginagawa niya. Tumango ako. Alam na alam ko iyon dahil sinabi iyon ni Jared sa akin. "Bakit ka nga ba umalis?"

"Lumanghap lang ng sariwang hangin." Mahina ring salita ko. Nagbuntong hininga si Beth.

"Uminom muna kayo ng mainit." Napalingon naman ako sa boses ni Jared at dinalhan pa kami ng kape. Nagpasalamat si Beth at ngumiti si Jared. Tumingin ito sa akin ngunit napipi lang ako sa tingin niya. "Saglit lang ha. Kakain na rin tayo. 15 minutes." Ngumiti siya ng maliit sa akin at tumango ako. Umalis na ito at naiwan na lang kami ni Beth. Nakita ko pa itong sinundan ng tingin si Jared.

"Bihira o wala ng ganyan lalake ngayon, Leah." Bulong ni Beth sa akin.

...
"Good evening." Bati ni Jared sa akin. Kakagising ko lang at hindi ko na alintana na mahaba ang naging pagtulog ko. Nasa pinto siya ng kwarto ko at nakabihis ito. "Feeling better now?" Tumango ako. Matapos ng late na agahan namin kanina ay nagpahinga na ako at natulog. Mahaba at mahimbing ang naging tulog ko something na ngayon ko na lang ulit naranasan.

"Aalis ka?" Tanong ko. Nakabihis kasi siya at mukhang bagong ligo ito at palagay ko ay bagong shave.

"Bihis ka. Alis tayo." Yakag pa nito at ngiti sa akin.

"Saan tayo pupunta?"

"Date." Ngiti pa nito.

"O-okay." Nahiya naman ako sa ngiti niya.

"Take your time." Tumango ako at sinarhan ulit ang pinto ng kwarto at naghanap ng masusuot na damit. Kinuha ko ang kaisa-isang bestida ko na nadala at ang sandals ko. Madali na akong nagbihis at itinali ko ang kalahati ng buhok ko. Nagsuot din ako ng stud earrings. Wala pang fifteen minutes ng matapos ako. Ayoko kasi paghintayin si Jared. Nakabihis na ito. Kaya kahit na napakapayak lang ang naibihis ko at hindi na ako nakapagmake up ay okay na rin. Ayoko siyang paghintayin ng matagal.

Nagulat naman ako ng makita ko siya sa may pintuan ko at doon naghihintay. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa matapos ay pabalik sa mga mukha ko at ngumiti.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now