Pagkalabas namin ng movie house naka salubong namin si Nathan at... Grace!

"OPPA!! GRACE!!!" lumingon yung dalawa pagkarinig nila sa sigaw ni Athena. Lumapit kaming dalawa sa kanila, "Are you guys dating??"

Parehong nanlaki yung mga mata nung dalawa tapos parehong nagblush.

"Obvious ba? " napatingin sa akin si Athena, ako na lang ang sumagotpara sa dalawa dahil halata namang hinde nila masagot yung tanong ni Athena.

"It's not what you think.. I asked him out. So it means we're not dating. We're just 'hanging out', okay?" sinabi ni Grace yun habang nag hahand gestures pa.

Nag smile si Athena sa sinabi ni Grace "But I thought you like my bro--" tinakpan ni Grace yung bibig ni Athena bago niya pa ituloy yung word na "brother"

"You love freebies right?? OF COURSE! Let's go! I'm going to treat you!" Hinila ni Grace si Athena. Sumunod na lang kaming dalawa ni Nathan sa pupuntahan nila.

Sa starbucks kami napadpad, sa may labas kami tumambay. Si Grace yung umorder para sa amin, libre niya daw kasi. Si Athena naman kanina pa nagkukwento tungkol kay Grace, mas matagal kaming magkakilala ni Grace pero mas marami siyang alam kesa sa akin.

Kinuwento niya pa kay Nathan na nagka gusto daw sakin si Grace! Anak ng!! Tama bang ikwento yun habang nasa tapat niya ako? Pero tumatawa siya habang kinukwento niya yun. Hinde niya raw

kasi aakalaing si GRACE mag kakagusto SAKIN! Anong imposible dun? Madami atang nag hahabol saking mga babae noh. Kaya walang imposible dun.

Biglang naging seryosos yung mukha ni Athena, "Oppa, Grace likes you. She likes you a lot.. you have inspired her.. I just don't know how you've inspired her." Napatingin si Athena kay Grace na nasa loob ng Starbucks

"Stop fooling around. I like her, too. You know that." sinabi ni Nathan habang naka smile.

"If you don't like her in a romantic way, then tell her. Pinapaasa mo lang siya. I don't want her to get hurt again. She likes you so much, remember that.. but don't take it to heart that much if you really cant repay her feelings.."

Tahimik lang si Nathan. Siguro napapaisip siya sa mga sinabi ni Athena. Tama naman kasi si Athena eh, wag na niyang patagalin pa lalo na kung hinde niya kayang suklian yung feelings ni Grace para sa kanya.. Kasi aasa at aasa lang si Grace pagpinagpatuloy niya pa yung ganitong setup nila eh.

Lumabas na si Grace na may dala-dalang tray, tumayo si Nathan para tulungan si Grace. Nilapag ni Nathan yung tray sa table tapos umupo na silang dalawa. Tahimik parin si Nathan kahit iba na yung pinaguusapan naming. Si Grace nakakahalata na sa kinikilos ni Nathan kaya etong si Athena dinaan na lang sa biro para maka gawa ng excuse na bebenta kay Grace.

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon