Chapter 66 - Beside my unit

Start from the beginning
                                    

O………………O < ---------------------- Babae

Bigla syang pumasok ng at sinarado ng malakas ang pintuan  nya.

Anong problema nya?!

Naglakad ulit ako palapit sa pintuan nya at kakatukin ko sana sya ulit kaya lang.

Bigla na naman itong bumukas at dahan dahanng idinungaw nya ang kanyang ulo

“Hi~~” sabi nya habang iniinsert nya ang buhok nya sa kanang tenga nya.

“Problema mo?!” walang anu – anong sabi ko. Biglang nanlake na naman ang mata nya at “Pwede pakipatay yung sounds mo?! Nakaka – istorbo ka kasi ng mga tao eh especially me. You know what gabi na kung hindi mo alam. Kaya patayin mo yung sounds mo! Hindi naman naiintindihan!” sarcastic na sabi ko.

Napansin kong nakajumper lang sya at puro pintura ang damit at katawan nya.

“Okay.. You wanna have some tea..” nakangiting sabi nya. Anak ng! Kung normal na babae to kanina pa to umiyak sa mga sinabi ko! You know my mouth sometimes offended everyone except Pouty I mean that Princess.

“I don’t want! I’m just here para papatay yung sounds mo nakakairita lang! Okay?!” aalis n asana ako kaya lang bigla nyang pinisdot pisdot ang pisngi ko ng wooden stick ata yun o yung brush na hawak nya. “Problema mo?!” iritang sabi ko. Sino ba namang hindi maiirita sa ginawa nya sa mukha ko pisdot pisdotin ng stick! Is she insane?

“Ayyy!! Totoo ka nga! Hahah Ang swerte ko naman!” kinikilig na sabi nya

“Ano ba?!” tinabig ko ang kamay nya na todo pisdot pa sa pisngi ko. “Problema mo?! Ba?!  Baliw ka ata eh! Hindi ka ba nakakakita ng tao?! First time?! Galing san ka ba?! Planetang Nemik?! O baka naman sa Mojamoja ni Mojacko?! Shhh.. I’m just wasting my time here”

“Ikaw nga si Flynn Michael Eroa… yung sikat na model!! Ayiiiee!! Tara tea tayo!” hinila nya ko papasok ng  condo unit nya at napansin ko na puro paintings ang loob mukha na ngang gallery sa sobrang dami eh.

“Have a sit” nakangiting sabi nya “Ayiiieee ang swerte ko talaga kasama kita ngayon. You wanna watch TV? What channel do you like.. ah never mind na nga” hindi pa ko nakakapagsalit biga na lang nyang binuksan ang TV at nilipat ang channel sa balita.

Ang daldal naman nitong babaeng to?!

“I’m Gail Martinez” bigla syang tumabi sa sofa na inuupuan ko ngayon at binigyan ako ng tea. I’m not even asking her kung anong name nya? Dirediretsyo ang bibig nya “You know what? I really do like you. I buy all the magazine na cover ka. I’m not a fan of your naman kaya lang you seem cute and so attractive. And you are nga?! Gosh! Nasa tabi ko na ang tinitingnan ko sa magazine ---” hindi ko na sya pinakinggan at nanuod na lang ako ng TV habang umiinom ng tea. She’s like the normal weirdo girls na sobrang baliw samin nina Oax.

Haaaayyyy

Akala ko pa naman for high end people lang ang ganitong building. But may nakapasok na abnormal dito

---_____________________---

‘Cecile we have a good news for all the teens out there. Ito na ang pinakahihintay nyo ikakasal na ang Prinsesa ng Genofiel sa Prinsipe ng Juxline na si Prince Collin bukas. We know they are so young for getting married but who cares right kung nagmamahalan naman sila. Right Cecil?’ sabi ng news caster na nasa harap ng palasyo nina Rio. Nasa likod niya sina Rio at Collin na hindi kalayuan sa kanya na naglalakad sa garden.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at lumabas na ng condo nya.

Biglang bumuhos na naman ang luha ko at dumiretso ako sa roof deck ng building at dun naglabas ng sama ng loob.

Author’s Note:

 

 

Yeah! Bitin hahah dapat kasi sa Monday or Tuesday pa ko magUUD but hindi ko kayo natiis dahil ang ganda ng comments nyo. Besides natapos ko na kasi ang dapat kong tapusin kagabi kaya ginawa ko na sya this Morning.

 

 

See you next week

 

Wanna see Gail Martinez ----------------------------- >

 

-       Choi

My Personal Maid is a Princess?!Where stories live. Discover now