Makalipas ang dalawang oras na biyahe, nakarating na rin kami sa aming pupuntahan.


"Ano ang gagawin natin dito? Bakit puro kalupaan?" Turan ni Carie sabay inililibot ang paningin sa paligid.


"Excited? Watch and be amaze." Giit ko at niyaya silang maglakad sa 'di kalayuan.


"Gosh gosh gosh! Is it real? Is it real?" Ligalig na tanong ni Izzy.


"I can't believe it. Totoo ba itong nakikita ko?" Dugtong naman ni Carie.


"Maniwala kayo o sa hindi, maniniwala pa rin kayo. You're right girls, kakaibang adventure ang susuungin natin." Paliwanag ko.


"Wait, let me guess." Segunda ni Izzy.


"Okay, ano ang hula mo?" Tanong ko.


"May airplane, ibig sabihin, maglilibot tayo sa himpapawid." Paliwanag ni Izzy.


"No."


"Sasakay tayo rito papuntang boracay?" Hula naman ni Carie.


"Shunga, ade kung sa boracay ang punta natin sana nag-airport na lang tayo." Ani ko.


"Eh ano pala?" Tanong nilang dalawa.


"Sky diving!" Turan ko.


"Huwatttt?!" sabay nilang sagot.


"Rochaes, alam mo namang takot ako sa heights! Ayoko na, kayong dalawa nalang ni Carie." Sambit ni Izzy na wari mo'y nanginginig sa kaba.


"Face your fear, Sis!" Singit ni Carie na tuwang-tuwa.


"Carie is right, Izzy. You can do it!" Pampalubag-loob ko rito.


"Eh kasi naman..." hindi na natapos pa ni Izzy ang sasabihin niya dahil hinila na namin siya ni Carie sa loob ng plane.


Tawa kami nang tawa ni Carie dahil sa itsura ni Izzy na hindi maipinta. Nagsimula na kaming lumipad sa himpapawid at inoorient naman kami dito sa loob kung ano ba ang mga dapat naming gawin.


After naming marating ang taas na tatalunin namin, nagsuot na kami ng safety gear. Excited ako para rito! Weeeee!


Tawa kami nang tawa sa itsura ni Izzy nang malaman niyang 1000 feet ang taas ng tatalunin namin.


"Guys, I love myself. Wala pa akong boyfriend kaya ayoko pang mamatay." Giit ni Izzy na nanginginig ang tuhod dulot ng takot at kaba.


"Malay mo, after natin dito ay magkaboyfriend ka na." Singit ni Carie sabay nguso kay kuyang nag-aayos ng safety gears at mga kagamitang gagamitin namin na madalas sumalyap sa kaniya.


Aba, hetong gaga, nagpacute pa.


"You still have five minutes para magready. Hinga ng malalim. Inhale-exhale lang." Turan nung lalaking kasamahan ni Kuyang pasulyap-sulyap kay Izzy.


Naupo muna ako saglit para magretouch dahil pawis na pawis na ang mukha ko. Hindi na ko nagsalamin pa kanina patungo rito. Pinaghirapan ko ang eyebags na 'to kaya hindi dapat na ikahiya.


Pagbukas ko sa aking foundation, napagitla akong muli nang mapadako ang aking tingin sa may salamin nito. Nagliliwanag na naman ang aking noo at nakasulat na naman rito ang letrang Ka.


Walang humpay ako sa pagkuskos nito pero balewala rin. Hindi ito nawawala. Ilang saglit pa, may pangungusap na lumitak sa aking noo.


Maging mataimtim sa pagsabay sa indayog ng hangin. Sa pagbagsak mo sa lupa, ikaw ay ngangawa.


Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin nito. Nagpapanic na ako kaya ipinakita ko ito kay Carie.


"Carie, may nagliliwanag sa noo ko!" Daing ko rito.


"Ha? Wala naman kaya." Aniya.


Muli kong sinipat ang aking noo sa may salamin at tama nga siya, wala na ito.


"Guys, prepare yourself. Time for enjoyment na." Turan nung lalaki kanina.


"One... Two... Three...!" Sambit ni kuyang may gusto kay Izzy at sabay silang tumalon.


"Ahhhh!" Sigaw ni Izzy dulot ng kaba.


Tawa kami nang tawa ni Carie dahil nakayakap pa ito kay kuyang may gusto sa kaniya. Para-paraan din itong kaibigan namin. Haha


Sabay-sabay kaming tatlo na tumalon. Napapasigaw na lang din kami dulot ng takot, kaba at sarap sa feeling.


Nakakalula, hindi mo nanaising tumingin sa baba dahil feeling mo, katapusan mo na.


Time na para buksan ang parachute pero ayaw bumukas nung sa akin!


Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Lahat sila'y nakaopen na ang parachute maliban sa akin.


"Rochaes!" Sigawan nila.


Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman kong may nakayakap sa may likuran ko. Tama nga ang hinala ko, isa itong multo! Yung babaeng nakaitim!


"Hahaha! Akin ka!" Sambit niya sa aking tainga.


Wala na akong ibang magawa pa kundi ang pumikit na lang habang sumisigaw. Mabilis kasi ang pagbulusok ko patungo sa baba kaya I think, this is the time of my life.


"Ahhh!" Patuloy kong sigaw.


Minulat kong sandali ang mga mata ko dahil sa bilis ng pagbulusok ko paibaba. Nagulat ako dahil malapit na akong lumanding. Ang higit kong ikinatakot ay ang mga kawayang nakatirik sa baba.


"Ahhhh!" Sigaw ko pa rin.


Iyon na ang huli kong sigaw sapagkat sa pagbukang muli ng aking bunganga, ito'y tumuhog sa matayog na kawayan. Pumasok ito sa aking lalamunan papasok sa aking katawan at lumabas sa aking pwetan. Pakiramdam ko, isa akong human lechon.


Kinakapos na ako nang hininga't hindi na makapagsalita pa. I miss my brother. Sana, mapatawad niya ako sa panghihimasok ko sa buhay niya.


"M-mahal k-kita, k-kapatid k--"

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now