"Nakaconference call pala..." Turan ko sa aking isipan.


"Sure, magbibihis na 'ko. Bye girls!" Pahayag ko sabay end ng call.


"Oh my gahddd!" Ang tangi ko na lang nasabi.


I think, pagtatawanan nila ako mamaya kapag ganito ang aking itsura. Haggardo Verzosa lang ang peg. Pak!


Makalipas ang ilang oras, nakaayos na ako. Inayos ko na rin ang mga gamit ko na aking dadalhin. Ay syempre, para matago ang nagsusumigaw kong eyebags, naglagay ako ng consiler pero hindi masyadong halata. To more spice, nagsuot ako ng shades para mas umangat ang beauty ko though deep inside, may tinatago ako para hindi nila iyon mahalata.


Pagkabukas ko ng aking pinto, dahan-dahan akong naglakad ala beauty queen. Habang binabaybay ko ang hagdan, nakita ko na ang dalawa sa sala habang kakwentuhan ang kapatid ko.


"Nandito na pala kayo." Bungad ko nang marating ko ang huling baitang ng hagdan.


"As usual, ikaw pa rin ang queen wanna be sa ating tatlo." Salubong sa akin ni Carie sabay beso sa akin.


"You're right Carie, hindi pa rin natin siya matatalbugan." Dugtong pa ni Izzy at bumeso rin.


"Hay, bolera talaga kayong dalawa. Kung pinasok niyo lang sana ang modelling, baka pare-pareho lang ang level ng beauty natin." Sambit ko at dumiretso kaming muli sa sala.


"Sige Ate, akyat muna ako sa taas." Singit ni Charlie sabay lakad palayo sa amin.


Hanggang ngayon, cold pa rin sa akin ang kapatid ko. Sariling kapakanan lang naman niya ang iniisip ko. Masama ba iyon? I care for him dahil ate niya ako pero bakit ang sama pa ng dating ko sa kaniya?


Maaaring mali ako dahil pinanghihimasukan ko ang sarili niyang buhay at nagdedesisyon para sa kaniya na kaya naman niyang gawin na mag-isa pero alam ko kung ano ang mas higit na makakabuti sa kaniya, sa future niya. Hay.


"Ang laki na ni Charlie. Parang kailan lang, kinukurot-kurot ko pa ang pisngi noong elementary days niya pero ngayon, binatang-binata na." Turan ni Izzy.


"Tama ka riyan Sis, tiyak na maraming kababaihan ang nagkakandarapa riyan." Sang-ayon pa ni Carie.


"Ano nga pala gusto niyong kainin? Inumin?" Pag-iiba ko sa topic.


"I'm full, you know diet. Pero okay na sa akin ang tubig." Ani ni Izzy.


"Fresh juice ako." Giit naman ni Carie.


"Okay, at dahil bisita ko kayo ngayon, ako ang magsisilbi sa inyo." Turan ko.


Ewan ko ba kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig. Pilit na iwinawaksi ko ang aking sarili sa harapan nila dahil ayokong mapansin ang nagsusumigaw kong eyebags.


"Aba, bago 'to ah." Pahayag ni Carie.


"Dati kasi, maski pag-aabot lang ng test paper noon ay pinapakisuyo mo pa sa iba. Ngayon, ikaw na mismo ang gumagalaw." Dugtong pa niya.


"People change. Haha!" Panunuya ko sa kanila at dumiretso na ako patungo sa kusina.


Habang inaayos ko ang fresh juice ni Carie, nagulantang ako nang biglang tumambad sa tapat ko ang babaeng nakaputi na may hawak na kutsilyo. Wala siyang expression at nakatayo lang siya sa isang sulok habang nakatingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang nais niyang iparating.


Napadako ang tingin ko sa kabilang sulok nang mapansin kong may nakalutang na babae. Tama nga ang hinuha ko, iyon ang babaeng nakaitim. Hawak niya ang isang baso na naglalaman ng tubig. Nakatingin siya sa akin at nakangiti na para bang wala nang bukas.


"Ano bang kailangan niyo sa akin? Bakit niyo ba ako ginugulo?" Turan ko.


"Akin ka. Akin ang buhay mo." Sambit ng babaeng nakaitim kaya kinilabutan akong bigla dahil sa kaniyang tinuran.


"Hayaan mong iligtas ko ang buhay mo. Sundin mo lang ang nais ko." Giit naman ng babaeng nakaputi at siya ngayo'y lumutang sa ere at unti-unting lumalapit sa akin.


"Huwag kang lalapit! Hanggang diyan ka lang!" Giit ko.


"Hahaha!" Halakhak ng babaeng nakaitim at biglang binitiwan ang hawak na baso't ito'y nalaglag sa sahig at nabasag.


"Ahhh! Tigilan niyo ko! Layuan niyo ako!" Sigaw ko habang nakapikit at nakatakip ang dalawa kong kamay sa magkabila kong tainga.


"Rochaes, are you okay?" Bungad ni Izzy nang makarating sila rito sa kusina at niyakap ako.


"I-izzy, C-carie..." pautal-utal kong sambit at niyakap ko silang dalawa habang umaagos ang masaganang luha mula sa aking mukha.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now