"Kailan naman ba ang next time na iyan?" Sambit ni Carie habang hinahalo ang kaniyang ginigisa.


As soon as possible sana dahil ayokong nakakulong lang sa bahay na 'to. Nakakasawa nang magshopping. I want to try something new.


"Maybe tomorrow? Free ba kayo?" Hirit ko.


Dalawang linggo lang ang bakasyon ko rito sa Pilipinas kaya dapat lang na sulitin ko iyon. I miss everything sa bansang ginagisnan ko.


"Sure! Day off ko bukas!" Pahayag ni Carie sabay takip sa kaniyang niluluto.


"Ahm..." himig ni Izzy na wari mo'y nagdadalawang-isip.


"What Sis? Hindi ka pwede?" Tanong ko.


"Gora!" Aniya.


"Yes!" Tugon namin ni Carie na ligayang-ligaya.


Nakapag-isip na ko kung saan ba kami pupunta. Sisiguraduhin kong magiging memorable ang araw na bukas sa aming tatlo at hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Something new is coming.


"Magprepare kayo bukas mga Sis dahil ngayon niyo lang mararanasan itong adventure na 'to." Bungad ko.


Napapangisi ako sa tuwa dahil alam kong magiging unforgettable moment ang araw ng bukas para sa aming tatlo.


"It's kinda exciting Sis! Sounds good to us," tugon ni Carie.


"Aakyat ba tayo ng bundok? Zipline? Ano?" Excited na tanong ni Izzy.


"Bukas niyo malalaman girls." Ani ko.


"Pabitin ka pa Rochaes! Baka hindi ako makatulog nito mamaya sa kakaisip." Litaniya ni Izzy.


"Hay, basta kapag si Rochaes ang nagplano, walang mintis." Ani ni Carie.


"Tama!" Pagsang-ayon ko.


Pagkatapos ng aming pag-uusap ay isinara ko na ang laptop ko at nahiga muna saglit.


"Maganda kaya ang naisip kong ideya para sa kung anong gagawin namin bukas?" Tanong ko sa isip.


"What if mapahamak kami?"


"What if umurong yung dalawa?"


"Dapat pa ba namin iyong ituloy? O change of destination na?"


Ang daming tanong na gumugulo sa isang isipan na hindi ko pa mabigyan ng kasagutan. Bahala na bukas.


Matapos magmuni-muni, napagdesisyunan kong magpunta muna sa banyo. Pagtapat ko sa may sink, nagulat ako. Makaramdam ako ng pamumutla dahil sa nakikita ko sa salamin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin.


Napasandal ako sa may pader habang nanginginig sa sindak. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin pero nakakaramdam ako ng pagkainit. Parang nag-iinit ang aking katawan at ako'y pinagpapawisan. Ang bilis ng pagtagaktak ng aking pawis. Paglingon ko sa salamin, nandoon pa rin ito. Ang bagay na hindi ko alam kung paano napunta sa aking noon.


Letrang Ka. Iyan ang nagliliwanag sa aking noo at hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin niyan. Kulay puti ang liwanag na nagmumula rito.


Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Natataranta ako! Hinawakan ko ito upang burahin pero hindi pa rin nawala.


Ilang saglit pa'y may isang babaeng nakaputi ang nakatayo ngayon sa aking likuran sa may bandang kaliwa. Nagtindigan lalo ang aking mga balahibo dahil first time kong nakakita ng multo. Hindi ako naniniwala rito pero ngayon, parang gusto ko nang maniwala.


"Huwag niyo nang ituloy. May mapapahamak lang." Bulong nito sa akin.


Napatigagal ako sa aking kinatatayuan at parang hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.


Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at halos mangatog ang aking tuhod dahil isang babaeng nakaitim naman ang nakatayo ngayon sa aking likuran din na nasa bandang kanan.


"Ituloy niyo, mag-eenjoy kayo." Bulong nito at siya'y ngiting-ngiti.


Hindi ako makapagsalita dahil sa dalawang multong nasa likuran ko. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat na sundin sa kanila.


Niyakap akong bigla ng babaeng nakaputi at gayon din ang babaeng nakaitim. Hindi ako makahinga dahil sa higpit nang pagkakayakap nila sa aking dalawa.


"Sundin mo ko kung gusto mo pang mabuhay." Pahayag ng babaeng nakaputi.


"Ako ang sundin mo, want to try something new 'di ba? Tutulungan kita riyan." Giit naman ng babaeng nakaitim.


Hindi ko alam na hindi na pala nakasayad sa lupa ang dalawa kong paa at ako mismo'y nakalutang na sa hangin at hirap na hirap huminga.


"Nananaginip lang ako. Nanaginip lang ako." Turan ko sa aking isipan habang nakapikit ang aking mga mata.


"Ahh!" Sigaw ko nang maramdaman kong para akong nahuhulog at bigla na lang akong lumagapak sa sahig.


The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now