Huminto ako saka ako nagJog in Place.



"Tama.. Hindi ako inlove, Libog lang ito.. Libog lang ito---"



"Uso na ba ito?"



Napatingin ako sa nagsalita. Nagjojog in place din ito sa tabi ko. Huminto ako saka tumingin sa kanya.



"Anong ginagawa mo dito, Hito?"



"Ahhh.." Huminto na din ito at nagsmile. "I miss that nickname."



Automatic na napasimangot ako dito.



"Makasimangot naman ito.." Bigla akong niyakap nito. "Namiss kita!"



"Umalis ka nga!" Nagpumiglas ako. "Punyemes naman Terrence! Mamaya may makakita sa akin! Isumbong pa ako.."



Pero sa totoo lang ayoko lang na baka makita kami ni Mint kapag napadaan siya dito. Baka magalit yun! Gantihan nanaman ako at isampal niya sa akin yung dapat na isasampal niya sa akin kahapon.



Speaking of Mint, simula nung nangyari kahapon hindi na siya nagtext! Hindi na nga nagpakita! Depress pa rin siguro iyon sa sitwasyon niya nung makita siya nung bata sa Broom Set---



"Huy! Polly! Nakikinig ka ba?"



"Ha?" Ayan lutang nanaman ang utak ko! Bakit ba ang nasa isip ko lagi yung lalaking yun! Naman!



"Ang sabi ko, malapit ko ng makita si SooHee."



Biglang nanigas yung katawan ko at lukot ang mga kilay na napatingin ako sa kanya.



"A-anong s-sabi mo?" Bakit parang sure na sure na siyang makikita na niya ako at malalaman na niya kung sino talaga si SooHee? May nalalaman na ba si Terrence? Pero kung may alam na siya bakit hindi pa rin niya ako pinararape sa tomboy gaya ng pangako niya?



"Halika dito." Hinila niya ako sa may hagdanan ng park namin saka umupo. Ginaya ko ang ginawa nito. "Malapit ko na talaga siyang makita." Tumingin ito sa paligid. "Malamang nasa paligid ko lang siya at alam niyang hinahanap ko siya."



Mas lalo akong kinabahan. Bakit? Paano niya nalalaman yung mga ganitong impormasyon?



"P-paano ka nakakasigurado na n-nasa paligid lang siya?"



Tumingin ito sa akin. Saka huminga ng malalim. "May nagmessage sa akin sa E-mail ko. Unknown Address mukhang kagagawa lang, may alam raw siya tungkol kay SooHee. At alam niya na hinahanap ko siya. Hindi ko alam kung papaano niya nalaman na hinahanap ko si SooHee pero isa lang ang sinabi niya sa aking information."



"A-ano n-naman iyon?"



"Dito nagaaral si SooHee. Dito sa school natin. Sa ngayon, nagmamasid ako sa paligid. Baka nga nakakausap ko na siya hindi ko lang namukhaan. Pero may tiwala ako sa sinabi niya. Dahil nung pinakidnap niya ako, alam ng mga guards niya, na bag na red ni Mint ang nagiisang may gamit sa school natin."

The Virgin WriterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora