11. At ng dahil diyan. Hindi mo mapapansin na walang number 8 sa sinagutan mo.



TEKA! TANONG BA TALAGA TO?! Mukhang sinusubukan lang ako nito ah! Pero hindi naman ako naduling ah!



Binalikan ko yung numbering..



1.. 2.. 3.. 4.. 5.. 6.. 7.. 9.. 10.. 11..



OO nga noh! HAHAHAHAHA! Bakit di ko napansin? Tsk!



11. Bibilangin mo ulit, at doon mo mapagtatantong, mali ka talaga ng tingin saka ka TATAWA.





What the..! Paanong nahulaan niya ang lahat ng ginagawa ko?!



Tekla. Bakit ba kasi ako nagpapaniwala sa mga ganitong mga Proofs na ito? Malalaman ko naman sa sarili ko kung inlove ako o hindi ah!



Papatayin ko na sana yung Laptop. Nasa library kasi ako, kaso yung dalawang ungas ng kaibigan ko. May mga gagawin. Asar, nagiisa lang tuloy ako. Anyway, dapat nga isasarado ko na kaso may biglang nagpop-out na textbox.



Halos malukot yung mukha ko ng mabasa ko yung sulat.. Tumataginting na..



Congratulations! You're INLOVE!



Napakurap ako ng tatlong beses. Nakikipagtitigan ako sa monitor. May mga lumabas pang confetti na hugas puso. May lumabas pang kupido at pinana ang pinakamalaking puso. At nagbliblink ang mga letrang I-N-L-O-V-E.



"I-inlove?"



Mukhang magaling pang mangasar yung gumawa ng program na ito at pinaulit-ulit ang mga nagpopop-out.



Inlove ako kay.. Mint?



Naramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko. Nagtalo ang mga konsensya ko.



1.Ayos lang iyan, Magboyfriend naman kayo.



2.Nakoo.. ayaw mo pa kasing aminin! InLove ka!



3. Libog lang iyan!! Sex na iyan! Sex na iyan!



Umiling ako. Parang gusto kong sundin yung Pangatlo. Baka libog lang ito? Baka gusto ko lang maambunan ng malagkit na malapot na gatas. Evaporated Milk lang? Pero parang ganun na nga.



Sinarado ko yung laptop. Iniwan ko yung mga gamit ko saka dali-daling lumabas ng library.



HINDI AKO INLOVE KAY MINT! LIBOG LANG ITO! HINDI AKO INLOVE KAY MINT! LIBOG LANG ITO!



Nakatingin ako sa dinadaanan ko habang kinoconvince ko sa sarili kong libog lang talaga ang nangyayari sa akin.

The Virgin WriterWhere stories live. Discover now