"Hello po," bati ko kay Manang nang madaanan ko siya. Tanging ngiti at tango lamang ang iginawad niya sa akin.


Nang makarating kami sa loob, namangha ako dahil sa linis at laki nito. May mga painting pang nakasabit sa pader na animo'y nagbibigay kulay sa tahimik nilang bahay.


Kung iyong papansinin kasi, halos kulang puti at transparent lang ang mga bagay at gamit nila sa bahay. Hindi maabubot pero malakas ang dating nito.


"Upo ka muna riyan, iihi lang ako." Segunda ni Charlie nang makaramdam siya ng pananakit ng pantog.


"Okay. Bilisan mo lang ah?" Sambit ko nang malumanay dulot ng kaba.


"Opo," turan niya sabay halik sa aking kanang pisngi bago binaybay ang daan patungong banyo.


Naupo muna ako sa may upuang malapit sa akin. Pagkaupo ko, medyo nawala na yung tense ko.


"Hooo!" Pakawala ko nang isang mabigat na buntong-hininga.


Maya-maya pa, nakarinig ako nang yabag na nanggagaling sa may hagdan. Senyales na mayroong bumababa rito.


Bumilis na naman at tibok ng aking puso dulot ng kaba. Para akong hinahabol ng kung ano dahil may namumuong pawis pa sa aking noo. Napayuko na lang akong bigla dahil natatakot ako.


"So, ikaw pala ang bagong nobya ng kapatid ko." Bungad ng isang tinig.


Ang ganda ng boses niya. Babaeng-babae. Para bang nang-aakit pero hindi ito matinis.


Itinaas ko ang aking ulo para masilayan siya. Gayon na lamang ang pagkahanga ko sa kaniya dahil ang ganda niya grabe. Modelong-modelo ang kaniyang dating. High class pa at eleganteng-elegante ang suot niyang dapat na kulay puti. Tapos ang kaniyang sapatos naman ay nakamamatay sa sobrang taas ng takong.


"A-ahh e-ee o-opo..." utal kong sagot dahil nakapameywang siya sa aking harapan.


Hindi ko alam kung sinisindak ba niya ako or what kasi nakataas ang kanan niyang kilay ay wari mo'y kinikilatis ang buo kong pagkatao nang tingnan niya ako simula ulo hanggang paa.


Nagulat ako kasi naglakad siya patungo sa aking likuran at parang walang tigil siya sa pagsipat sa aking katauhan.


"Alam mo, maganda ka naman. Kulang ka lang talaga sa pag-aayos." Dugtong pa niya nang muli siyang makabalik sa aking harapan.


"S-salamat po..." Paimpit kong sagot habang nakayuko.


Hindi ko siya matitigan dahil natatakot ako sa talas ng kaniyang mata. Pakiramdam ko, ayaw niya talaga sa akin at may kakaibang presensiyang bumabalot sa kaniya. Ayaw ko namang pangunahan si Charlie pero sa tingin ko, mukhang tama sila. May attitude nga yata talaga ang ate nito.


"Ate Rochaes!"


Isang sigaw ang nagpawala nang aking kaba. Nakita ko si Charlie na masayang papalapit sa amin.


"Charlie!" aniya sabay salubong sa kaniyang kapatid at mahigpit na niyakap.


"Ate, ipapakilala ko sayo ang aking nobya, si Morixette." Bungad ni Charlie rito at nilapitan ako.


Napatayo ako bigla sa aking upuan dahil niyaya ako ni Charlie palapit sa ate niya.


"Nice to meet you, Morixette." Segunda niya sabay yakap sa akin at bineso ako.


"Mabait iyan, si Ate. Kaya huwag kang mahihiya sa kaniya." Pahayag ni Charlie habang nakatingin sa akin at ginawaran ko siya ng isang ngiti.


"Welcome sa bahay namin Morixette. Tawagin mo na lang akong Ate Rochaes, pronounce as 'ro-kaye' okay?" Dugtong pa nito.


"Opo, Ate Rochaes. Salamat!" Tugon ko naman kahit medyo na-awkwardan ako sa pakikitungo niya sa akin.


"Nakahanda na nga pala ang pagkain. Halika na kayo, baka lumamig." Yaya ni Ate Rochaes at tinungo agad ang kitchen.


"Tara na?" Tanong ni Charlie kaya naman um-oo na lang ako.


Pagkarating namin sa may kitchen, bumungad ang maraming pagkain. Talagang naghanda pa sila. Sa tingin ko, hindi namin mauubos ang lahat ng ito. Iba talaga kapag mayaman ka.


Uupo na sana ako nang pigilan na naman ako ni Charlie.


"Ako na," sambit niya at inasog ang upuan para makaupo ako. Kinilig na naman ako dahil sa ginawa niya.


"So, let's eat!" Turan ni Ate Rochaes sabay plasta ng pekeng ngiti sa kaniyang mukha.


Kumukuha palang kami ng pagkain nang isang yabag ang narinig namin patungo sa aming kinaroroonan.


"Surprise!"


"Denise?!"




The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now