C h a p t e r (2o)

Začít od začátku
                                    

At dahil di ko na kaya, kumuha na ako ng payong at pera para magpaload. Oo, magpaload. Hahaha. Kawawa naman yung cellphone ko eh, di na naloloadan eversince nung sa Tagaytay. Baka mabulok na.

Tiningnan ko naman yung cellphone ko at walang text galing sakanya. Kainis yun! Papatayin niya ba ko sa pag-aalala?!

Pagtapos kong magpaload, tinawagan ko agad.

“Sorry, the number you have dialled is out of coverage area. Please try your call later.” 

“Aaargh!” ginulo ko tuloy yung buhok ko sa inis. Bwisit naman yun! Bahala nga siya sa buhay niya! Kainis na ah! Bahala siya diyan! Bahala talaga siya! Bahala ka Jace! Psssh!

Tumambay nalang ako sa labas ng pinto (buti nalang may silong to) tsaka dinial ang number ni Geoff. Mga apat na ring din yun bago niya sagutin.

“Diba sinabi ko na sayo na wag ka nang tatawag?!” inis niyang sabi sa kabilang linya. Mukang badtrip ata.

“Pinagsasabi mo diyan? Ngayon palang ako tumawag ah?!” weird!

“Teka sino ba to?!” tapos saglit na nanahimik yung kabilang linya. “Shara?!”

“Bakit, sino bang akala mo?” napataas kilay tuloy ako. Sasagot nalang ng tawag hindi pa tinitingnan kung sino!

“Wala, wala!”

“Sus! Sige na, daya neto oh!” sino kayang akala niya?

“Wala nga!”

“Kainis naman tong si Geoff!”

“Fine. Akala ko si malands!”

“Malands? As in Skye?!” di mapakaniwala kong tanong. Ibig sabihin tumatawag sakanya si Skye?! Aweee!

“Sino paba?!”

“Awee! Ikaw ah! Tinatawagan ka pala ni Skye! Hihihi.”

“Leche. Kaya di ko sinabi!”

“Hihi. Close na pala kayo no?!” di ko mapigilang di mapangiti. Magiging lalaki naba si baklito?!

“Close?! Never! Asa naman. Kairita kaya yun.” Feeling ko umirap na naman siya pagtapos sabihin yun. Alam niyo naman yun.

“Hahaha. The more you hate the more you love!” Bwahahaha! Kahit papano naaaliw ako.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat