Chapter 38

23.9K 313 36
                                    

*If you admire the rainbow after the rain, then why not love again after the pain?

“Ano ‘tong bali-balita tungkol sa inyong dalawa ni Keith na kumakalat hindi lang sa mga news channels sa TV, kundi pati na rin sa iba’t ibang social networking sites sa internet?” Ang agarang tanong sa akin ni Dad nung umagang iyon, habang naglalakad kaming dalawa patungo sa isa sa mga private mausoleums sa Manila Memorial Park, na kung saan nakalibing si Mom.

Dagli naman akong napayuko nang aking marinig ang kanyang mga sinabi.

It has already been five days since the night of my grand concert with Triple C, pero pawang hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ng buong sambayanan ang tungkol sa ginawang pag-amin ni Keith ng kanyang mga nararamdaman sa akin bago pa man mag-umpisa ang mismong event.

Kakarating lang ni Dad galing sa New Jersey kahapon, at dahil sa wala naman siya nung gabi ng aming presentasyon ng Triple C, wala siyang saksi sa mga pangyayaring naganap. Most likely, tila kama-kailan lang rin niya napag-alaman ang tungkol sa insidenteng iyon since he was already so busy with the business meetings that he had to attend to abroad.

Buti nga at nagkaroon pa siya ng sapat na oras para samahan akong bisitahin ang puntod ni Mom ngayong araw na ito. Matagal na panahon na rin kasi ang lumipas simula nung huling beses na aming dinalaw ang libingan ni Mom nang magkasama.

We also payed our respects to Mom’s parents, Lolo Dave and Lola Clare, who both passed away more than thirty years ago. Binisita rin namin ang libingan ni Lolo Leo, Mom’s paternal uncle, who also became her legal guardian after Lolo Dave at Lola Clare’s untimely deaths. Mahigit sampung taon na ang lumipas simula nung sumakabilang-buhay siya due to old age, at kahit tila merong sigalot sa pagitan nilang dalawa ni Dad nung una, pawang nagkaayos na rin sila sa huli.

“It’s just as what everyone says, Dad. Keith confessed his feelings of love for me in front of the entire nation, and because of the incident, the two of us are the talk of the world now.” Ang mawalang-bahalang sagot ko, sabay buntong-hininga.

Tiningnan naman ako nang maigi ni Dad pagkaraan.

“Well, how will you respond to his confession then?” Tanong niya.

Muli akong napayuko.

“Sa totoo lang po, hindi ko talaga alam e.” Sambit ko. “Sigurado rin naman po ako na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin talaga si Keith. Frankly speaking, I never stopped loving him even after all these years, and despite all of the pain and heartbreak that he’s been continuously inflicting me in the past and even until now.

“Pero Dad, dahil na nga sa lahat ng sakit na naranasan ko nang dahil sa pagmamahal ko para sa kanya, sadyang natatakot na po talaga akong ipagkatiwala muli kay Keith ang aking puso. Sadyang natatakot na po talaga akong masaktan muli. At sadyang natatakot na po talaga akong mas lalong mahulog muli ang aking loob sa kanya. Kasi hindi po talaga ako sigurado kung sasaluin na ba niya ako sa pagkakataong ito o hindi pa rin.”

Dumating na rin kami sa wakas sa tapat ng private mausoleum ni Mom, at madali kaming pumasok sa loob pagkatapos. The two of us lit up one candle each, and silently prayed for Mom’s blessing and continuous guidance. Lumipas ang ilang minuto, at nanatili lang kaming nakatayo sa harapan ng libingan ng aking ina.

“Halos pareho lang rin ang sitwasyon ninyong dalawa ni Keith sa nangyari sa amin noon ni Nadine, although it looks like in your perspective, nagkabaliktad kayo ng posisyon.” Ang mahabaging tugon ni Dad habang pinagmamasdan niya ang litrato ni Mom na nakapatong sa ibabaw ng kanyang libingan.

Napatingin naman ako sa kanyang gawi.

“Pero bakit po ba kayo naghiwalay ni Mom? Hindi ba’t pareho niyo rin naman pong minahal ang isa’t isa nang totoo at lubus-lubusan?” Ang sunud-sunod na mga tanong ko.

The expression on Dad’s face suddenly became thoughtful.

“Your Mom wanted me to fulfill my dream to become a successful song artist in the future, that’s why she decided to break up with me. Pakiramdam niya kasi, isa lang siyang pabigat sa akin, at sa pananaw niya, siya ang nagsisilbing hadlang sa akin at sa pagtupad ko ng aking mga pangarap, even though she wasn’t at all. Kaya kahit na alam niyang masasaktan kami pareho nang dahil sa magiging desisyon niya, isinagawa pa rin niya ang kanyang planong pakikipaghiwalay sa akin, mainly for my sake.

“When you think about it, it also seems like Keith did the same thing for you. Kahit na labag na labag sa kanyang kalooban na pumayag sa desisyon mong makipaghiwalay sa kanya at bigyang-wakas ang inyong kasalan, pumayag rin siya sa huli para maisakatuparan mo ang iyong mga pangarap na maging isang matagumpay na mang-aawit. He agreed to let you go, so that you would be free to live and achieve your dreams.” Ang mahinang tugon niya.

Napaisip naman ako sa kanyang mga sinabi, at madaling napadako ang aking tingin sa kwintas na suot-suot ko ngayon, ang kwintas na nagsilbing aking good luck charm throughout the almost five years that have passed away. At ang kwintas na napag-alaman ko kama-kailan lamang na hindi pala talaga nagmula kay Cedric, kundi galing sa aking best friend at dating asawa.

“So if that really were the case, do you think that I should give Keith a second chance, Dad?” Ang tila nag-aalinlangang tanong ko sa aking ama.

Binigyan niya naman ako ng isang mapanigurado at mapaanyayang ngiti.

“Well, everything worked out for your Mom and me when we both took the risk. Most likely, the same thing would probably happen to your situation with Keith as well.” Pahayag niya.

Napangiti na rin ako pagkaraan, at madali kong binigyan ng isang mapagpasalamat na yakap si Dad.

“Thank you so much for giving me that very helpful advice, Dad. And also, thank you so much for making me realize what I should do to finally restore my broken relationship with Keith.” Ang natutuwang sambit ko.

Madali namang ibinalik ni Dad ang aking yakap.

“You’re very much welcome, Angel.” Tugon naman niya.

Muli na lamang akong napangiti pagkaraan, and at the corner of my eye, I managed to catch a glimpse of Mom’s picture, and I swear that I saw her giving me a very hopeful and encouraging smile during those moments. Even from up above, she’s still watching over me and guiding me towards the right path. And I know for a fact that without a doubt, she is completely giving me her blessing.

And I definitely had no intention of wasting her consent.

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now