Chapter 8

30.8K 441 16
                                    

 

*When your heart hides away what you just can’t say, your eyes will say what it is you’ve been trying to hide away. 

“Now, since your final performance for this quarter in drama class will be done by pair, I would like all of you to find yourselves a partner.” Panukala ng main animator ng theater club and at the same time drama teacher naming si Ms. Ocampo nung hapong iyon. 

Agad namang nagsi-alisan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga pwesto, nagmamadaling makahanap ng kapareha. Nakita kong magka-partner na sina Bliss at Blair, samantalang kapares naman ni Drake ang isa naming kaklase na si Ryan Brillantes. Nagmasid-masid ako sa aking paligid, naghahanap ng kaklaseng wala pang katambal. Hay, kailangan ko na talagang makahanap ng kasama. Nakasalalay pa naman sa performance na ito ang final grade namin para sa drama class. (>_<)

Bigla namang may lumapit sa akin at tinapik ako sa balikat, at nang lumingon ako para tingnan kung sino ito ay hindi ko nagawang maitago ang pagkagulat ko.

“Lyks, wala ka pa namang partner diba? Pwede bang ikaw na lang ang kasama ko?” Paanyaya ni Keith, sabay bigay ng isang maliit na ngiti sa akin.

Ilang beses naman akong kumurap, natatauhan na rin sa wakas, at dali-dali akong tumango sa kanyang direksyon.

“Sige.”

Tumango na lang rin si Keith, at pagkaraan ay pumuwesto siya sa tabi ko, hindi na umiimik.

Kahit ilang linggo na ang lumipas simula nung insidenteng nangyari sa Las Vegas, medyo awkward pa rin sa pagitan naming dalawa. Hindi na namin masyadong napag-uusapan ang problema naming iyon, at napansin kong pawang iniiwasan ako ng best friend ko. Hindi nga niya ako masyadong pinansin kahit nung magkasama kaming mag-kapamilya sa dinner na ginanap sa bahay nila bilang celebration para sa nineteenth birthday niya. Wala nga rin akong kaalam-alam sa progress ng pinaplano niyang pag-anunsyo ng divorce.

Pagkalipas ng ilang minuto ay mukhang nakapaghanap na ng partner ang buong klase. Dagli namang nagsalita muli si Ms. Ocampo.

“Here on top of the teacher’s table is a box that contains the themes of your soon-to-be performances. Kapag nakabunot na kayo ng assigned theme niyo, just approach me and I’ll give you the allotted script. The scenes and dialogues are already provided, so all that you have to do is to reenact the whole scenario. The schedule of the performances will be announced as soon as possible, so I recommend that all of you practice hard and memorize your lines.”

Nagsitango kaming mga mag-aaral, at mamaya-maya ay nag-umpisa nang pumunta sa harapan ang ibang mga pares. Nung kami na ni Keith ang susunod ay muli niya akong tinapik sa aking balikat.

“Ikaw na yung bumunot.” Tugon niya.

Tumango na lang ako at lumapit sa teacher’s table. Nang makakuha na ako ng assigned theme namin ay agad kong binuksan ang nakatiklop na papel na hawak-hawak ko. Dagli namang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakasaad doon.

THEME 8: Divorce

 

Letche naman. Sadyang pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? Sa lahat ba naman ng themes na laman ng box na yan, bakit kailangang ito pa ang mabunot ko? Ano ba yan! (>_<) 

“Ah, that’s a very crucial theme. Very dramatic yung scenario na kailangan niyong i-perform ng partner mo. Good luck with that.” Saad ni Ms. Ocampo nang makita niya ang papel, at pagkatapos ay binigyan niya ako ng dalawang kopya ng script para sa theme na iyon.

Wala na akong ibang magawa kundi ang tumango na lamang.

“O, may problema ba?” Ang agarang tanong ni Keith sa akin pagkabalik ko sa pwesto namin.

Nagbuntong-hininga na lang ako at inabot sa kanya ang isa sa mga script. Nanlaki rin ang kanyang mga mata nang mabasa niya ang mga nakalagda doon.

“Seryoso ba ‘to?” Pagkukumpirma niya, sabay tingin sa gawi ko.

Muli akong nagbuntong-hininga at tumango.

“Pasensya na kung pangit yung theme na nabunot ko.”

Binasa na naman niya yung script, at mamaya-maya ay umiling siya.

“Don’t feel bad, it’s okay with me. Tutal, play lang naman ‘to e.” Pahayag niya.

Hindi na ako umimik at umupo na lang sa aking pwesto. Nang makabunot na ang lahat ng kani-kanilang mga assigned themes ay saktong tumunog ang bell. Ms. Ocampo dismissed the class and went off afterwards. At pagkatapos ng advisory period ay nag-umpisa nang magsilabasan ng classroom ang ilan sa mga kaklase ko.

Dali-dali ko ring inayos ang mga gamit ko, at bago pa ako matawag ni Keith o kahit nung kambal ay lumabas na agad ako ng classroom.

Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung bakit ba ako nagkakaganun, kung bakit tila ayoko muna silang makausap nung mga oras na iyon, at kung bakit pawang nanghihinaan ako ng loob, pero ang masisigurado ko lang talaga ay kailangan ko munang mapag-isa, kailangan ko munang mag-isip, at kailangan ko munang lumayo sa kanila.

Wala pang fifteen minutes ang lumipas ay nakarating na ako sa tapat ng gate ng bahay namin. Kadalasan kasi, naglalakad lang ako pauwi kasabay nina Bliss, Blair at Drake, at umaabot kami ng halos thirty minutes bago makarating ng bahay. Who would’ve thought that I would get home this fast?

Madali naman akong sinalubong ng kasambahay naming si Ate Gina pagkalipas ng ilang minuto ng paghihintay sa labas. Agad naman niyang kinuha ang mga gamit ko at pinatuloy sa loob. Habang naglalakad kami papasok ay napansing kong nakaparada sa driveway ang kotse ni Dad.

“Nakarating na galing ng Germany si Daddy?” Tanong ko sa kasambahay.

Dagli naman siyang tumango.

“Kakarating lang po niya kanina, Ma’am Lyka. Mukhang sa master’s bedroom po siya dumiretso pagkapasok niya ng bahay.” Saad niya.

“A, ganun po ba? Sige po.” Sambit ko, at nauna na akong tumungo sa loob at dumiretso paakyat ng hagdanan.

Pero nang pumasok ako ng kwarto ni Dad ay napagtanto kong wala naman siya doon, kung kaya’t tumungo na lang ako sa ibang mga silid sa bahay. Wala rin naman siya sa kusina, sa banyo o kahit sa back garden, at ang tanging silid na hindi ko pa pinupuntahan ay ang sarili kong kwarto. Agad naman akong tumungo papunta doon, nagbabaka-sakaling nandun nga ang dad ko.

Ngunit laking gulat ko na lang nang makita ko siya doon na hawak-hawak ang marriage certificate namin ni Keith, bakas na bakas ang galit sa kanyang mukha. Agad siyang lumingon sa gawi ko, at tuluyan na talagang bumigat ang dibdib ko sa sobrang takot at kaba.

“Lyka Nadine Santiago, just what is the meaning of this?”

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon