Chapter 22

27.4K 374 34
                                    

*Promises are meant to be broken. That’s why you broke my heart, right? 

Lyka’s POV 

 

“Lyka, it’s your turn now.” Tawag sa akin ni Dad mula sa waiting area ng studio, may maliit at mapaanyayang ngiting nakalapat sa kanyang mukha. 

Agad naman akong tumayo mula sa aking kinauupuan at sumunod sa kanya patungo sa auditorium.

Ngayon na ang presentation namin ng Triple C para kay Mr. Arthur Brandon, ang producer na posibleng mag-sho-showcase ng aming mga magiging debut sa music industry. Kaya nga kaninang umaga pa akong kinakabahan dahil sa recital na ito, lalong-lalo na dahil napakalaki ang magiging epekto ng performance ko sa potential career ko.

Kahit si Dad ay umuwi talaga galing ng Singapore para lang suportahan ako at panoorin ang performance ko. Ngunit sa kasamaang palad, ilang araw lang siyang mamalagi dito sa Pilipinas sapagkat kakailanganin niya ring pumunta ng Washington kasama ni Mr. Brandon para tumulong sa pag-aasikaso ng mga soon-to-be debut namin ng Triple C.

Nagkasalubong naman kami nina Cedric, Kuya Carter at Kuya Chris pagkarating ko doon sa backstage ng auditorium. Madali namang tumango at ngumiti sa aking direksyon sina Kuya Chris at Kuya Carter, samantalang tinapik naman ako ni Cedric sa aking balikat at binigyan niya ako ng dalawang thumbs-up bilang paanyaya.

Dagli naman akong napangiti sa kanilang direksyon, kahit papano ay nawawala ang kabang nararamdaman ko sa kalaliman ng aking dibdib.

“Good luck, Dear. Do your best.” Paalala sa akin ni Dad habang nakangiti sa akin, tinititigan ako nang maigi.

Agad naman akong tumango sa kanyang gawi at ngumiti na rin.

“Thanks, Dad.” Sambit ko, bago ako tumungo papunta sa platform doon sa auditorium.

Nakita kong tumango naman si Dad sa aking direksyon, at nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin doon sa backstage, naka-cross arms. Huminga naman ako nang malalim at tumingin nang diretso, nakatuon ang aking titig sa mismong pwesto ni Mr. Brandon, na nakatingin rin nang maigi sa akin.

At the corner of my eye, I saw Bliss and Blair, who were both sitting down on the seats in the audience area, waving excitedly at my direction and cheering me on. Nakita kong kasama rin nila sina Drake, Dustin, Levi at Ate Margaux, na halatang puro mga sabik na sabik rin. Kahit ang Triple C ay tumungo na rin doon para manood, at agad silang naghanap ng kani-kanilang mga pwesto sa tabi ng aking mga kabarkada.

Pero agad namang bumigat ang aking dibdib nang mapagtanto kong wala pa rin doon si Keith. Hinanap siya ng aking mga mata doon sa buong silid, pero sadyang wala talaga siya. Mas lalo lang akong hindi mapalagay nung mga sandaling iyon, at pawang muli na naman akong kinabahan.

“You may start now.” Tugon ni Mr. Brandon pagkaraan.

Madali naman akong tumango sa kanyang gawi, at agad-agad ay nag-umpisa namang tumugtog ang opening ng kantang “You and I” ni IU mula sa mga speakers na nakapwesto sa aking magkabilang gilid. Huminga muli ako nang malalim at pilit na pinakalma ang aking sarili, inaalala na naman ang mga salitang isinambit kanina ni Keith sa akin.

He promised that he would come to my performance, and I know that he will definitely keep his word. He won’t ever fail me. I know that he’ll definitely come. I’m sure of it. Pilit na pagkumbinsi ko sa aking sarili.

At pagkatapos ay nagsimula na akong kumanta.

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now