Chapter 37

23.2K 336 20
                                    

*It is much better for a girl to sleep for a million years and be kissed and awakened by the right prince, than to stay awake and be kissed for a million times by the wrong frog.

“That was a completely unexpected confession, wasn’t it?” Ang agad na panayam ni Cedric nung maghahating-gabing iyon, sabay pasok sa loob ng aking dressing room, nakatitig sa akin nang maigi.

Dagli ko namang inilayo ang aking tingin sa kanya at napayuko, pawang hindi na magawang magsalita nung mga oras na iyon.

Kakatapos lang ng grand concert namin ng Triple C, at pagkatapos na pagkatapos ng huling performance namin ay madali akong tumungo dito sa aking dressing room, still not completely over the fact that Keith actually and unpredictably serenaded and confessed to me in front of the whole nation earlier that night.

Buti nga at naging maayos pa rin ang aming presentasyon kahit na nagkaroon ng pag-aantala bago pa man ito makapagsimula. Although, I have to admit that everyone was pretty much aware of the reality that the audience was still restless because of Keith’s earlier declaration of his love for me, at kahit nung nagsisimula na ang opening act ng mga backup dancers kanina ay pawang ang tungkol pa rin doon ang pinagkakaguluhan ng karamihan sa mga manonood. At kung tutuusin, hindi na talaga nila masyadong napagtuunan ng pansin ang ilan sa mga pang-umpisang pagtatanghal, at naging aktibo na lamang ang halos lahat pagdating ng kalagitnaan ng performance.

Sigurado akong pagkatapos na pagkatapos ng gabing ito, iyon na magiging panay na usap-usapan hindi lang sa mga news channels sa TV, kundi pati na rin sa mga social networking sites sa internet. And I’m also sure that the media would definitely have a field day because of that unexpected happening.

Pagkaraan ay bigla namang pumuwesto si Cedric sa upuan na nasa aking harapan, at dagli niyang hinawakan ang parehong mga kamay ko, tinititigan ako nang diretso sa mata.

“Mahal mo pa rin siya no?” Ang napakaseryosong tanong niya sa akin.

Napakagat ako sa aking labi, nag-aalinlangan talagang sagutin ang kanyang katanungan, ngunit mamaya-maya ay tumango ako nang konti at muli na namang yumuko.

“I’m so sorry, Ceddy.” I murmured very softly, and my voice was so low that it was barely even a whisper.

Napatango na lang rin si Cedric, at pagkalipas ng ilang sandali ay binitawan na rin niya ang aking mga kamay, nakayuko na rin.

“For some strange reason, somehow, I already predicted that you would end up saying that to me tonight.” Sambit niya, sabay bigay sa akin ng isang napakapilit na ngiti. “After all, I’ve always been completely aware of the fact that even after all these years, Keith is still the one who truly owns your heart. Keith is still the one whom you think of every passing day. And Keith is still the one whom you completely love with all of your heart.

“Matagal na akong aware sa napakapait na mga katotohanang iyon, and yet, I just couldn’t bring myself to accept any of them even until the end. I just couldn’t face the harsh reality that it will always be Keith whom you’ll never stop pining for. That it will always be him and never anyone else. Not even me.”

Nanatili na lamang akong nakayuko, hindi na talaga magawang tingnan siya nang diretso. But I swear, at the corner of my eye, I saw the beginnings of the formation of tears in Cedric’s eyes.

Ngunit bago ko pa makumpirma ang aking nakita ay bigla na lang tumayo mula sa kanyang kinauupuan ang aking kausap, at dagli niya akong tinapik sa aking balikat.

“Go back to him, Lyka. Be with him again. And return to his side once and for all.” Ang mapaanyayang pahayag niya.

Wala na akong ibang magawa kundi ang tumango na lamang, at nagsisimula na akong makaramdam ng matinding panghihinayang sa kalaliman ng aking puso nung mga sandaling iyon. Tumalikod naman si Cedric sa akin, at nagsimula na siyang maglakad patungo sa labasan.

At nang di inaasahan ay napatayo naman ako sa aking kinauupuan at sumunod sa kanya, immediately grabbing his hand and stopping him from leaving when I was finally able to reach out to him.

Unti-unti naman siyang lumingon, pawang nag-aalinlangang tingnan muli ako nang diretso.

“Bakit? May kailangan ka pa bang sabihin sa akin?” Tanong niya, at agad naman akong naudlot nang marinig ko ang panginginig sa kanyang boses, na para bang pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili sa paghikbi nung mga sandaling iyon.

Dahan-dahan ko namang itinanggal sa aking leeg ang kwintas na suot-suot ko, ang kwintas na binigay niya sa akin mahigit limang taon na ang nakalilipas. Madali ko iyong inilagay sa kanyang kamay, at napabuntong-hininga ako pagkatapos.

“I don’t think that I deserve to have this anymore, most especially after what I did to you. So that’s why I’m returning this necklace to you right now, and I’m really hoping that the day will come when you’ll finally meet the right girl for you and she’ll be the one who’ll end up wearing this.” Ang mahinang tugon ko.

Ngunit nagulat naman ako nang biglang ibinalik ni Cedric ang kwintas sa akin, and he clasped it in between both of my hands. Muli niya akong binigyan ng isang napakapilit na ngiti pagkatapos.

“Pasensya na talaga, Lyka. Pero hindi mo dapat ibinabalik sa akin ang kwintas na iyan. Because technically speaking, hindi naman talaga kasi galing sa akin yan.” Saad niya.

Dagli naman akong napatitig sa kanya, naguguluhan sa kanyang mga sinabi.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

Huminga nang malalim ang aking kausap, at tinapik na naman niya ako sa aking balikat.

“Almost five years ago, during the day of our departure for Washington, habang isinasagawa mo ang final performance mo sa Drew & Vanz, nagkausap kami saglit ni Keith sa tapat ng labasan ng bistro at pinakiusapan niya akong ibigay ang kwintas na iyan sa’yo.” Pagpapaliwanag niya.

“So what you’re meaning to say is…” Umpisa ko, completely at a loss for words as the sudden realization finally hit me.

Nag-atubili namang tumango si Cedric.

“Galing talaga kay Keith ang kwintas na iyan, Lyka.”

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now