Chapter 33

23.9K 292 23
                                    

*Never give up if you still want to try. Never wipe your tears if you still want to cry. Never settle for the answer if you still want to know. Never say you don’t love him anymore if you still can’t let him go.

Wake up, my morning tears

I open my eyes in a hurry,

Today I shall cry again

For my tears are always sleepier than I

They'll only get up

If I wake them diligently

Though I cry over a dozen times a day,

Though I fuss like a child

Though I calm myself by stroking my hair,

I know you won't be coming back

Today, tomorrow, and even the next day,

Though I am hurting so much because of you

Don't be sorry,

It's all right because I still love you

 

Patuloy lang sa pagtugtog ang kantang, “Morning Tears” sa iPod ko nung hapong iyon, habang ako naman ay patuloy lang sa paglalakad sa daanan, walang kamuwang-muwang sa kung saan ako dinadala ng aking mga paa.

Nanatili lang rin akong nakayuko, at hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga tao sa aking paligid, kahit na ang ilan pa sa kanila ay napapatingin na sa aking gawi, halatang nagtataka sa kung bakit pawang napakalungkot at naiiyak ang ekspresyon sa aking mukha.

Kung tutuusin rin naman kasi, gustung-gusto ko na nga talagang umiyak nang sobra-sobra nung mga oras na iyon, pero sa kasamaang palad, wala namang namumuong mga luha sa aking mga mata at hindi ko talaga magawang humikbi at lumuha ng kahit ilang patak ng luha man lang.

Hay. Posible kayang naubos na ang mga luha sa aking mga mata dahil sa napakaraming beses na ako’y umiyak? At kung sabagay, sadyang emosyonal at iyakin kasi akong tao. Kaya kung mangyari mang posible nga talagang maubusan at hindi na makayanang bumuo ng mga luha ang mga mata, isa ako sa mga taong siguradong makakaranas ng ganung pangyayari.

 

That day,

The day you left me

That day, and even now,

The rain is still falling

Now I can no longer laugh

Even if I try to laugh,

The rain covers my mouth

 

Pagkalipas ng ilang sandali ay napagod na rin sa wakas ang aking mga paa sa paglalakad, at napatungo ako papunta sa isang bench na malapit-lapit lang sa daanang nilalakaran ko. Truth be told, I didn’t know exactly where I was, but I have to admit that during those moments, I didn’t have the slightest bit of interest on my current location, and I didn’t want to waste my time just to discern it.

Nanatili pa rin akong nakayuko kahit nung nakaupo na ako, at buti naman dahil ako lang ang mag-isang nakapwesto doon, so there was definitely no need for awkward explanations or uncomfortable glances with other people.

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now