Chapter 30

26.3K 415 18
                                    

*I am really hoping that maybe someday, if by chance that we ever meet again, I would finally be able to look at you in the eye, smile casually, and pretend as if I have never known you at all.

Lyka’s POV

 

“Next person, please.” Tawag ko sa susunod na taong nakapila sa aking tapat nung hapong iyon, na madali namang lumapit sa akin pagkatapos, napakalaki ang ngiting nakalapat sa kanyang mukha.

“Umm…Miss Lyka, pwede po bang pirmahan niyo na rin po yung CD na dala ko? Kung okay lang po sa inyo?” Pakiusap nung babaeng nakapila at nakatayo sa aking harapan, who looked like she was around thirteen to fourteen years of age, and most probably is still in her middle school years.

Ngumiti naman ako sa kanyang direksyon, at tumango nang konti.

“Don’t worry, it’s definitely okay with me. I’ll surely sign it.” Sambit ko. “Your name, please?” Tanong ko pagkaraan.

Mas lalo lang lumaki ang ngiti sa kanyang mukha, at madali niyang binukadkad ang kanyang dalang bag at may kinuhang CD case mula sa loob, na dagli niya namang inabot sa akin.

“Graceline San Isidro po.” Ang maligalig niyang pagsagot.

Kinuha ko ang CD case pagkatapos, at nang tiningnan ko ang cover nito ay dun ko napagtantong iyon pala ay isa sa mga kopya ng aking pinakaunang album na ni-release, which was entitled, “Goodbye, My First Love”.

Subconsiously, a small smile immediately formed on my lips, at agad kong pinirmahan ang harapan ng CD case. Kumuha ako ng isang poster mula sa stack na nakatambak sa aking gilid, at pinirmahan ko rin iyon.

“Ang gaganda po talaga ng mga kanta ninyo, lalong-lalo na po sa album na yan. Actually, yan po talaga ang pinakapaborito kong song collection ninyo, kahit na mostly puro pang-brokenhearted at pang-bitter ang mga kantang nilalaman niyan. Madadama po talaga kasi ang mga emotions na pinaparating ninyo sa mga kantang nakapaloob sa album, and you really can’t help but feel brokenhearted and bitter as well when you’re listening to them.” Komento ni Graceline, a sheer and thoughtful smile starting to form on her face.

Mas lalo lang rin akong napangiti nang marinig ko ang mga sinabi niya, at pagkatapos ay inabot ko sa kanya yung CD, kasama ang poster na pinirmahan ko rin.

“Thank you very much for appreciating my songs, most especially the songs on my first album. It really gladdens my heart to know that you guys also feel the emotions that I’m trying to convey. I really hope that you’ll continue supporting me all the way.” Sambit ko.

Sabik na sabik at natutuwa niyang tinanggap ang CD at poster.

“Siyempre naman po. Susuportahan po talaga kita until the end!” Deklara niya, at mamaya-maya ay nagpaalam na rin siya sa akin at masayang tumakbo papunta sa labasan ng coliseum.

Madali namang may sumunod sa kanya sa pila pagkatapos, na nakatanggap rin ng autographed poster na galing sa akin.

Tatlong oras na akong nandito sa NBGS Coliseum, isa sa mga pinakamalaki at pinakamalawak na coliseums na pinatayo dito sa buong Pilipinas, na siyang pinagawa at pinagmamay-ari ni Dad. It’s named after my mom, Nadine Beatrice Gonzalez – Santiago, and the structure’s name is derived from all of her initials. Its size rivaled even that of the Araneta Coliseum, at kadalasan, dito na ginaganap ang mga grand concerts, press launches at conferences, fans meet-up at kung anu-ano pang mga conventions na isinasagawa ng mga artista at iba pang mga performers.

Kakatapos lang kanina ng aking meet-and-greet sa aking mga fans at followers, at bibigyang-wakas ang event sa pamamagitan ng autograph, poster and CD signing, with an additional picture taking session with me para sa lahat ng mga taong dumalo na may dalang camera.

Dito rin gaganapin ang malapit na naming concert ng Triple C, which will commence in at least two weeks’ time. But before that main event, dumadalo muna kami sa kung anu-anong mga press launches, conferences, seminars at symposiums. We’ll also be appearing on some variety and talk shows, and might possibly have special and cameo appearances on some drama series being broadcasted here, depending on the role and the other probable offers from the different television networks.

Sa ngayon, nasa studio na pinagmamay-ari rin ni Dad sina Cedric, Kuya Carter at Kuya Chris, having their rehearsals for the upcoming concert. In two days’ time pa kasi ang meet-and-greet nila sa kanilang mga fans at followers, at bukas naman ay mayroon kaming short interview at press conference with the media.

Kasama ko naman dito sa coliseum si Bliss, na siyang tumatayo na ngayon bilang manager ko, at may kinakausap muli sa kanyang cellphone, at si Blair, na siyang nagsisilbi na ngayon bilang personal designer at makeup artist ko, na nakaupo lang sa bandang likuran ko at abalang-abala sa pag-de-design ng outfit na susuotin ko sa aming susunod na concert next month na gaganapin naman sa Malaysia.

Meron rin kaming kasamang ilang mga camera crew at photojournalists na nagpunta rin dito para gumawa ng documentations at special news articles tungkol sa mga pangyayaring naganap mula sa umpisa hanggang sa katapusan ng event. There are also some security personnel present, who will serve as mediators between me and the people who attended the fans meet-up, in case some sudden and unexpected circumstances occur.

Yeah, all of us have such busy lives, right? Sana nga at magkaroon pa kami ng sapat na panahon para makasama ang mga kapamilya, kabarkada at kaibigan namin dito. After all, I really missed Levi, Drake, Dustin and Ate Margaux, as well as Piper, Bendix, Valerie and Devin. Kahit sina Tita Jasmine, Tito Clark, Tita Kate, Tito Alex, Tita Vanessa, Tito Andrew, Tita Camille, Tito Ralph, Tita Naomi at Tito Adrian ay na-miss ko na rin.

At higit sa lahat, hindi ko rin mapagkakaila ang napakalaking katotohanang matagal ko na ring inaasam-asam na makita muli ang best friend at dati kong asawa na walang iba kundi si Keith.

After about an hour, paunti na rin nang paunti ang mga taong nakapila sa aking harapan, mga fifty people na lang at least. Pinilit ko ang sarili kong wag na wag humikab nung mga sandaling iyon, kahit na nasa kasukdulan na ang nararamdaman kong pagod at antok.

Actually, the seven of us, namely me, Bliss, Blair, Cedric, Kuya Carter, Kuya Chris and Triple C’s official manager, Marvin San Jose, only arrived very late last night, and we haven’t had much sleep and rest ever since our influx.

Mga tatlo hanggang apat na oras lang nga ata ang tulog ko, since I already have to get up at around 6:00 AM earlier this day to prepare for my photo shoot which was scheduled at 8:00 AM. Also, I haven’t exactly had much sleep as well during the past few days even before our departure from Washington.

“Name, please?” Mungkahi ko mula sa lalaking nakasunod sa pila at nakatayo na ngayon sa aking harapan, sabay kuha ng poster mula sa stack.

“Your first love, best friend and ex-husband, and the jerk who selfishly broke your heart many years ago, Keith Jeric de Chavez.” Tugon naman niya.

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang kanyang mga sinabi, at nang tumingala ako para ikumpirma ang katauhan ng lalaking nakatayo sa aking harapan ay madaling nagkasalubong ang aming mga tingin ng walang iba kundi ni Keith Jeric de Chavez.

Nanatili na lamang akong nakatitig sa kanya, hindi talaga makapaniwala sa kasalukuyang disposisyon namin, at madali niya naman akong ginantihan ng isang maliit na ngiti.

“Long time no see, Lyks.”

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon