Chapter 11

28.5K 448 38
                                    

*You made me feel like I was your everything, but then you left me so easily like I was just nothing. 

Keith’s POV 

“Keith, please talk to me. Kahit ilang minuto man lang ang ibigay mo sa akin. Just let me explain everything that happened. I’m begging you!” Ang muling pamimilit sa akin ng ex-girlfriend kong si Denise habang tumatakbo pasunod sa akin.

Patuloy naman ako sa paglalakad patungo sa direksyon ng aking bahay. Kahit ba naman ngayong pauwi na ako ay hindi pa rin niya ako tatantanan? Takte. Kung hindi lang talaga na-confiscate nina Mama ang BMW ko ay baka kanina ko pa siya natakasan. (=_=)

Buti naman at malapit-lapit na rin ako sa tapat ng gate namin. Ilang talampakan na lang ang layo ko doon, at ilang yabag na lang ang kailangan kong gawin para tuluyan ko na talagang maiwasan ang ex-girlfriend ko. Pero sa di inaasahang pagkakataon ay bigla na lang mas binilisan ni Denise ang kanyang pagtakbo, hanggang sa makapunta na siya sa aking harapan at tuluyan na niya akong naharangan.

“Tabi. Dadaan ako.” Sumbat ko naman sa kanya, sabay bigay ng isang napakasamang tingin sa kanyang direksyon.

Mukhang naudlot siya sa marahas na pagturing ko sa kanya, pero hindi pa rin siya umaalis sa kanyang kinatatayuan.

“Just give a few minutes to explain, alright? And afterwards, I’ll willingly leave. I won’t bother you. I won’t pester you anymore. But before that, hear my side of the story, okay?” Ang muling pagpupumilit niya.

Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero pawang hindi ko na talaga mapipigilan ang pag-apaw ng sama ng loob ko.

“TABI NGA KASI!” Napasigaw na ako.

Napalayo siya sa akin nang ilang pulgada, halatang gulat na gulat sa bigla kong pagtaas ng boses. Nagmadali naman akong naglakad palagpas sa kanya, ngunit napatigil naman ako nang marinig ko ang tila naiiyak na tawag niya sa akin.

“Keith, I’m so sorry for what I did, okay? Sorry dahil nakipag-break ako sa’yo nang ganun-ganun lang. Sorry dahil ang sobrang selfish ko. Sorry dahil hindi ko man lang isinaalang-alang ang mga nararamdaman mo. Sorry na talaga.” Pagmamakaawa na naman niya.

Agad naman akong nakaramdam ng pagkirot sa aking dibdib nang marinig ko ang mga sinabi niya. Alam kong tuluyan na talaga akong nanghihina nung mga oras na iyon, lalong-lalo na dahil naririnig ko ang kanyang pag-iyak. Tanging siya lang talaga ang kahinaan ko.

“Sa tingin mo ba matatanggap ko pa iyang sorry mo?” Ang mariin kong pahayag, nananatili pa ring nakatalikod sa kanya. “Denise, nakipaghiwalay ka sa akin nang dahil lang sa isang dare! Ganun ba talaga kababaw ang tingin mo sa relasyon natin na handa ka pang isakripisyo iyon nang dahil lang sa laru-laro? You’re completely unbelievable.”

Narinig ko ang muli niyang paghikbi.

“I know that I’ve been completely inconsiderate. Masyado akong naging kampante. Kasi akala ko talaga, kung isasagawa ko ang dare na iyon, magkakaayos rin tayo agad. And during those moments, I really wanted to test myself. To see if I’ll be able to survive life without you by my side. Pero pagkalipas lang ng ilang linggo, hindi ko na talaga nakayanan. That’s why I planned to explain everything to you at the end of Christmas vacation. Ngunit malas ko naman dahil nagkasakit pa ako, at ngayon lang talaga ako nakapasok ulit. But I’m really sincere with my apology, Keith. I want you back in my life. I want us to get back together again. Because I really need you by my side.”

Pwersahan naman akong umiling, determinado talagang hindi magpadala sa mga iyak at pagmamakaawa niya.

Oo, aaminin kong mahal ko pa rin si Denise. Hindi naman talaga ako tumigil sa pagmamahal sa kanya. Pero hindi ko naman kasi siya mapapatawad nang ganun-ganun lang. Lalo na dahil isinakripisyo niya ang halos tatlong taon naming pagsasamahan para lang sa isang laro. Kung nakayanan niyang gawin iyon noon, paano pa kaya sa mga susunod pang pagkakataon?

Dahan-dahan akong lumingon para tingnan siya nang diretso.

“You’re too late. Wala nang pag-asang magkabalikan pa tayo. Kaya sumuko ka na, Denise. At tantanan mo na rin ako.” Tugon ko.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak, at mamaya-maya ay lumapit siya sa akin para hawakan ang aking kamay.

“Keith, wag ka namang ganyan please. Nagsisisi na talaga ako nang dahil sa ginawa ko. Promise, hinding-hindi ko na talaga yun uulitin. Just forgive me and take me back. I swear that I’ll do everything that I can just to make it up to you.” Pagluha niya.

Agad ko namang hinablot ang aking kamay mula sa kanyang kapit at muling tumalikod sa kanya. Nagsimula na naman akong maglakad patungo sa direksyon ng gate ng bahay namin.

“Umuwi ka na, Denise.” Utos ko sa kanya, sabay pindot ng doorbell pagkarating ko sa aking destinasyon.

“Keith naman!”

“Sabi ko umuwi ka na! Walang patutunguhan ang usapan na ‘to kung kaya’t mas marapat na umalis ka na lang. At wag mo na akong guguluhin pa, kasi imposible na talagang magkabalikan pa tayo kahit kailan.”

Muli na naman siyang naudlot.

“Wag mong sabihing…may iba ka na?” Ang nag-aalinlangan niyang tanong.

Nagbuntong-hininga ako at tiningnan ko muli siya nang diretso.

“Sa totoo lang, oo. Meron na akong iba, at si Lyka yun. Asawa ko na nga siya e.” Ang mawalang-bahala kong sagot.

Alam kong mali ang mga sinabi ko, at dapat hindi ko na dinamay pa ang best friend ko, pero iyon lang talaga kasi ang naisipan kong isagot para tigilan na rin ako sa wakas ni Denise. Sana naman at gumana nga iyon.

Ilang beses naman siyang pwersahang umiling.

“Hindi. Imposible. Alam kong nagsisinungaling ka, Keith!” Pagpupumilit na naman niya.

Tinitigan ko naman siya nang maigi, seryosong-seryoso ang ekspresyon sa aking mukha. Saktong-sakto, may nagbukas ng gate namin, at akala ko talaga ay ang kasambahay naming si Ate Lilia ang sasalubong sa akin.

Ngunit hindi ko mapagkakaila ang katotohanang nagulat ako nang sobra-sobra nang makita kong si Lyka iyon. Agad namang napunta ang tingin niya sa akin, sunod kay Denise, at pagkaraan ay sa akin muli. Halata talagang naguguluhan siya sa mga pangyayari, pero wala naman akong sapat na oras nung mga sandaling iyon para ipaliwanag ang lahat sa kanya.

Kung kaya’t minabuti ko na lang ang pagkakataon, at muli kong itinuon ang aking tingin sa ex-girlfriend ko.

“You don’t believe me? Fine, let me prove it to you.” Saad ko, sabay lapit kay Lyka.

Lyks, sana mapatawad mo pa ako sa gagawin ko. Hiling ko sa aking isipan bago ko siya hilahin palapit sa akin at halikan siya sa kanyang mga labi.

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now