Chapter 29

27.5K 381 27
                                    

*You used to be the only reason why I always look forward to each passing day, but now you’re the only reason why I always look back to the days that have already passed away.

Five Years Later

Suddenly the rain pours on my head

Without a word, I will get wet

The memory is falling down

Along the tears, just like a fool


The road to home,

Still there’s a long way to go

I have no umbrella,

It seems like I’ll only catch a cold

If I have you on this road leading to that place

Although I’ll get wet, still it’s good

Nanatili lang nakatuon ang aking buong atensyon sa aking iPod na hawak-hawak ko, at patuloy lang ako sa panonood sa music video ng kantang “Raindrop”, na inaawit ng walang iba kundi ng aking best friend at dating asawa na si Lyka Nadine Santiago.

Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha doon sa maliit na screen.

Hanggang ngayon, ang ganda-ganda pa rin niya. Hindi, mali pala. Kasi kung tutuusin, mas gumanda pa nga siya ngayon, lalong-lalo na sa limang taong lumipas simula nung siya’y lumisan dito sa Pilipinas at tumungo papuntang Washington para sa kanyang debut kasama ng grupong Triple C.

At sa kasalukuyang panahon, isa na siyang napakasikat na mang-aawit, song composer at commercial model. Kilalang-kilala na siya ng buong mundo, at kinagigiliwan na rin siya ng halos buong sambayanan. Talagang naabot na niya ang kanyang matagal na pinapangarap. Ang maging isang tanyag at matagumpay na mang-aawit tulad ng kanyang amang si Lance Jacob Santiago.

Oh rain drop, oh rain drop

Love is so heartless

Oh rain drop, oh rain drop

Love is like raindrop

Coldly, it drenches me

Will I catch a cold

That gives me pain as that time again?

 

Oo nga pala, sigurado akong nagtataka na kayo sa mga pangyayaring naganap sa limang taong nakalipas. Ngunit sa totoo lang, wala rin namang masyadong nagbago. At least, yun yung nasa pananaw ko.

Nasa Washington na rin namamalagi sa kasalukuyan sina Bliss at Blair, at sa pagkakaalam ko, si Bliss na ang tumatayong manager ni Lyka ngayon, samantalang si Blair naman ang nagsisilbing personal designer at makeup artist ng best friend ko at dating asawa.

Nanatili naman kami dito sa Pilipinas nina Drake, Dustin, Levi at Ate Margaux. Kaka-graduate lang namin nina Drake, Dustin, at Levi noong nakaraang taon mula sa college, at nagtapos kami mula sa iba’t ibang mga kurso. Theater and Performing Arts ang natapos nina Drake at Dustin, Mass Communications yung sa akin, at Hotel and Restaurant Management naman yung kay Levi.

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon