*When two hearts are meant to be, no matter how long it takes, no matter how far they may go, and no matter how tough everything may seem, in the end, time will bring them back together to share a life that they may call “FOREVER”.
Keith’s POV
“Tito Lance?” Ang agarang tawag ko sa dad ni Lyka pagkapasok na pagkapasok ko sa NBGS Coliseum nung umagang iyon.
Kakarating ko lang kasi sa opisina kani-kanina lamang, ngunit bago pa man ako makapag-umpisa sa pagsasaayos ng mga papeles na ipinapagawa sa akin ni Dad ay bigla-bigla na lang akong tinawagan ni Tito Lance sa aking cellphone, at pinagmadali pa niya akong tumungo agad dito sa NBGS Coliseum.
Siyempre naman, hindi ko rin maiiwasang magtaka sa kung anong posibleng dahilan niya sa kanyang pagpapapunta sa akin dito, ngunit bago ko pa man siya matanong ay bigla niya namang tinapos ang aming tawag. Hay naku. Ang hirap ng buhay ko no? (=_=)
Patuloy lang ako sa pagmamasid sa silid, at kahit na napakadilim ng aking paligid at wala akong masyadong makita ay sigurado akong wala naman talagang tao doon nung mga oras na iyon.
“Tito Lance?” Ang muling pagtatawag ko, ngunit wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kanya. What the heck? (-_-)
Tumalikod na lamang at ako nagsimulang maglakad patungo sa labasan, pinaplanong hanapin si Tito Lance sa ibang mga silid.
Ngunit bago pa man ako makarating sa exit ay bigla-bigla na lang nagsibukasan ang mga ilaw sa loob ng coliseum at dagli kong narinig ang boses ni Lyka na kumakanta sa aking bandang likuran.
You’re getting this feeling,
You’re trembling inside
How long will you merely steal glances at me?
Tell me your thoughts,
I mean stop pretending you know nothing
Just as your heart is saying to you
Hold my hand now
Hurry and hold my hand
Dahan-dahan akong napalingon, hindi talaga makapaniwala sa aking mga naririnig, at nang aking ituon ang aking tingin sa performance area ay madaling nagkasalubong ang aming mga tingin ng aking best friend at dating asawa.
Napangiti naman siya sa aking gawi, at patuloy lang siya kanyang pagkakanta, hindi pa rin inilalayo ang kanyang tingin sa akin.
When my cellphone vibrates,
My heart sinks into my chest
Oh without realizing,
Before I knew it,
Your mischievous way of talking
I want to hear it over and over again
What should I do
(From far away, you’re walking over here)
(Our eyes meet)
How long will you act as if you know nothing?
YOU ARE READING
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...