Chapter 14

32.5K 423 41
                                    

*The people who make us happy are the ones we never expect, so when the time comes that you find that special someone, you have to cherish that person completely and wholeheartedly. 

Lyka’s POV 

 

“Kahit kailan, hinding-hindi talaga ako magsasawa sa mga movies na iyon!” Punyagi ni Dustin habang naglalakad kami palabas ng cinema nung dapit-hapong iyon. 

Kakatapos lang naming panoorin ang special screening ng Harry Potter and The Deathly Hallows Part 1 and 2, na itinuturing ng karamihan bilang mga bahagi ng isa sa mga pinakatinangkilik na movie series mula noon at hanggang ngayon. Kung tutuusin, maganda naman talaga kasi yung mga pelikula, at kakaiba rin yung concept at storyline kaya nakakatuwa talaga iyong panoorin. At kahit matagal na panahon na ang lumipas simula nung unang beses na ipinalabas iyon sa mga sinehan, ma-co-consider pa rin ang mga palabas na iyon bilang ilan sa mga most-watched at all-time favorite movies ng pangkalahatan.

“Sus, palibhasa naman kasi, favorite movie series mo lang talaga yung Harry Potter. Diba nakumpleto mo yung DVD collection nun? Limited edition pa nga yung mga kopyang nabili mo e.” Tugon naman ng kasintahan ni Dustin at pinsan kong si Levi Hilario, tila natatawa ang ekspresyon sa mukha.

Dagli siyang inakbayan ng kanyang boyfriend, na may napakalawak na ngiting nakalapat sa kanyang mukha.

“Siyempre naman. Alam mo naman kung gaano ko kagusto yung mga pelikula sa series na yun e. Tsaka ang ganda rin kasi ng plot kaya hindi talaga ako nagsasawa!” Ang muling pagpupunyagi nito.

Napatawa naman kaming lahat pagkatapos, at nagpatuloy lang kami sa paglalakad palabas ng cinema.

Ngayon lang ulit kami nagkasamang gumala nang magbabarkada. Palibhasa naman kasi, naging busy kaming lahat, lalo na kami nina Bliss, Blair, Keith, Drake, Dustin at Levi, na puro graduating na sa high school level this school year. Pawang marami ring pinakakaabalahan ang pinakamatanda naming kabarkada na si Ate Margaux, na pinsan ko at nakatatandang kapatid ni Levi, na siyang second year college ngayong taon and taking the course, Business Administration.

At sa mga nagtataka, gusto ko lang i-klaro na hindi namin kaeskwela sina Dustin, Levi at Ate Margaux. Sa St. Gabriel University kasi sila nag-aaral, ang paaralang dati ring pinapasukan nina Dad, Tito Clark, Tito Alex, Tita Camille at Tito Ralph (refer to My Boyfriend by Accident). Doon din nag-aral noon ang mga magulang nina Ate Margaux at Levi na sina Tita Naomi at Tito Adrian (refer to My Sweet Revenge).

Sa St. Michael’s Academy naman kami nag-aaral nina Bliss, Blair, Keith at Drake, na dati ring pinapasukan nina Mom, Tita Jasmine, Tito Andrew at Tita Vanessa. Magkakaklase kaming lima simula nung mga pre-school palang kami, at kahit ngayong graduating na kami sa high school. Baka pati sa college maging schoolmates rin kaming lahat, kung hindi man magkakaklase ulit. (^_^)

Habang naglalakad-lakad kami ay bigla naman naming nakasalubong si Cedric, na siyang kasama sina Kuya Carter at Kuya Chris.

“Margaux!” Ang agad na tawag ni Kuya Carter nang makita niya ang aking nakatatandang pinsan, na agad naman niyang nilapitan.

Oh, I forgot to mention to all of you this little detail. Tulad nina Levi, Dustin at Ate Margaux, nag-aaral rin sa St. Gabriel University sina Cedric, Kuya Carter at Kuya Chris. First year college si Cedric, samantalang pareho namang second year college sina Kuya Carter at Kuya Chris. They’re all Theater Arts students, at pagkakaalam ko, ilan rin sila sa mga pinakasikat na mga estudyante sa school nila. Well, typical of them. (~_~)

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now