Chapter 9

29.9K 440 22
                                    

 

*If you had a chance, take it. If it changes your life, let it. Nobody said it was going to be easy. All they said is that it was going to be worth it. 

“I can’t believe this. You two are MARRIED?” Ang tila nakaririnding sigaw ni Jasmine de Chavez nung gabing iyon, sabay bigay ng isang napakasamang tingin sa direksyon namin ni Keith. 

Nagtinginan kami saglit ng best friend ko, parehong nanghihinayang at hindi makapagsalita.

“Well, no matter how you look at it, this marriage certificate is considered valid. Talagang legal ang kasalan nilang dalawa.” Tugon naman ni Tito Clark habang patuloy na sinusuri ang marriage certificate namin ni Keith.

Tita Jasmine continued to pace back and forth in front of us, managing her breaths and forcefully trying to calm herself down.

“I just can’t believe that this is happening. And to think, tinago niyo pa ang sitwasyon ninyo sa amin!” Ang muling pagsisigaw niya.

Dali-dali namang napatayo ang kanyang asawa mula sa recliner at lumapit sa kanya, patting her gently on the back.

“Dear, calm down. Talk to them rationally. Alam kong sobrang mainit ang ulo mo at masamang-masama ang loob mo ngayon, pero walang patutunguhan ang usapan na ito kung magpapadala ka sa mga emosyon mo.” Saad ni Tito Clark.

“Do you seriously think that I’ll be able to calm down after finding out what they did?” Demanda ni Tita Jasmine, talagang nag-uumapaw ang galit.

Bigla niya namang sinamaan ng tingin si Dad, na siyang tahimik lang na nakaupo sa isa pang recliner, pawang malalim ang iniisip.

“Lance, ba’t nakaupo ka lang diyan? Wala ka bang gagawin o kahit sasabihin man lang sa problemang dinala ng dalawang ‘to?”

Ginantihan rin siya ng isang masamang tingin ni Dad.

“Bakit? May magbabago ba kapag magsalita pa ako? Diba wala naman? The fact won’t change that Keith and Lyka are already married. There’s nothing we can do to alter that right now.” Sumbat niya.

Napayuko na lang si Tita Jasmine, at ilang beses siyang napakurap. Agad naman akong napatayo mula sa aking kinauupuan, hindi na talaga mapakali.

“Tita, alam ko pong galit na galit po talaga kayo ngayong mga oras na ito, but please let Keith and I explain our side.” Pakikiusap ko.

Dagli niya akong tinaasan ng kilay.

“Very well then. I really hope that the two of you would be able to give us a completely reasonable and acceptable explanation.” She challenged, her gaze stern and absolutely authoritative.

Huminga naman ako nang malalim, pilit na itinatakwil ang kaba at takot na nararamdaman ko nung mga sandaling iyon. Pero bago pa man ako makapagsalita ay bigla namang hinawakan ni Keith ang kamay ko at umiling sa aking direksyon. Tumayo na rin siya, tinitingnan nang diretso si Dad at ang kanyang mga magulang.

“Ma, Dad at Tito Lance, ako po talaga ang may kasalanan ng lahat. Kaya kung meron man po kayong sisisihin sa gulong ito, ako po ang pagbintangan ninyo, huwag si Lyka.” Pahayag niya.

Agad naman akong napatingin sa direksyon niya, tila gulat na gulat.

“Keith—” Umpisa ng protesta ko, na madali namang naputol nang muli siyang umiling sa aking gawi.

“Lyks, there’s no point in trying to defend me.” Tugon niya. Pagkaraan ay ibinalik niya ang kanyang tingin sa aming mga magulang. “Sa totoo lang po, nung gabing dumating tayo sa Las Vegas, umalis ako ng hotel at pumunta ng bar. Gusto ko lang po talaga kasing maglasing at makalimot kahit panandalian man lang, lalo na dahil kakahiwalay lang namin ng girlfriend kong si Denise. Nahuli naman ako ni Lyka doon at pinilit niya akong umuwi kasama niya, pero sadyang nagmatigas talaga ako. Kaya sa huli, dinamayan na lang niya ako at uminom kami ng ilang bote ng beer.

“Pero nang di inaasahan ay masyadong napadami ang nainom naming alak at nalasing kami nang sobra-sobra. Umabot pa nga iyon sa puntong hindi na namin namamalayan ang mga nangyayari sa aming paligid, pati na rin ang aming mga ginagawa. It wasn’t until the day after that we found out that we actually got married by accident.” Pagpapaliwanag niya.

Tinitigan kami nang maigi nina Dad at Tito Clark, samantalang napakurap muli nang ilang beses si Tita Jasmine.

“Sa tingin niyo ba maniniwala kami diyan sa kasinungalingan ninyo?” Ang muling kontra ng mom ni Keith.

Pwersahan naman akong umiling.

“Tita, hindi po kami nagsisinungaling. Talagang nagsasabi po kami ng totoo.” Ang muling pakikiusap ko. “At ang pinakadahilan lang naman po kung bakit hindi po namin magawang sabihin sa inyo ang aming sitwasyon ay dahil sa ayaw naming madamay pa kayo sa gulo. Tsaka wag na rin po kayong mag-alala, Keith is already processing our divorce papers. The marriage will become void soon enough.”

Mas lalo lang sumama ang tingin ni Tita.

“Naniniwala ba talaga kayong mareresolba ang problema niyong yan nang dahil diyan sa pinaplano ninyo?”

“Tita naman—”

“First and foremost, I would just like to make one thing clear. The three of us are not angry because the two of you got married. In fact, we were all thrilled with that news. All I’m pointing out here is that we’re in rage because you two kept it a secret from us!”

Agad naman kaming napatingin ni Keith sa isa’t isa.

“Teka, ano pong ibig ninyong sabihin, Ma?” Ang naguguluhang tanong ng best friend ko.

Nagbuntong-hininga naman si Tita, sabay upo sa recliner na kaninang inuupuan ng kanyang asawa.

“To be honest, matagal na naming pinapangarap na mapag-isa ang dalawang pamilya natin. Kung tutuusin, we, your parents, really wanted the two of you to end up together para maisakatuparan ang kagustuhan naming iyon. But of course, wala naman kaming planong ipagpilitan kayo sa isa’t isa kung ayaw niyo talaga, that’s why hindi rin kami masyadong nagpumilit. But since the situation has changed and everything ended up like this, we will surely not let the two of you escape the consequences of your actions.”

“That’s why the three of us had a short talk earlier and devised the perfect punishment for the two of you.” Dagdag ni Dad.

“At ano naman po ang plinano ninyo?” Ang kinakabahang tanong ko.

Nagtinginan nang panandalian ang mga magulang namin, at mamaya-maya ay biglang tumango si Tito Clark.

“By this summer, after the two of you graduate, you two will get married once again, but this time, under the church. And afterwards, you will move in together and live under the same roof.” Pahayag niya.

Agad namang nanlaki ang mga mata namin ni Keith.

“T-teka lang po, hindi niyo po naiintindihan ang sitwasyon. Wala naman po kaming intensyong magpakasal ni Lyka. Everything only happened because of an accident!” Pagpupumilit ng best friend ko.

Nag-cross arms si Dad.

“Whether everything only happened by accident or by your own choices, a marriage is still a marriage. Kaya kung anumang divorce papers ang pinoproseso ninyo ngayon, I suggest that you cancel all of them as soon as possible. Dahil hindi kami papayag na may hiwalayang magaganap. Kailangan ninyong panindigan ang kasalang ito.”

Muli kaming nagtinginan ni Keith pagkatapos, at bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding panghihinayang. Napayuko na lang ako pagkaraan, hindi na talaga alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman nung mga oras na iyon.

Oh my freaking gosh. Mas lalo lang lumaki ang gulong pinasukan namin.

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now