Chapter 36

23.6K 308 19
                                    

*My heart is a puzzle. You are the missing piece. Without you in my life, I will never ever be complete.

Lyka’s POV

 

“Lyka, there’s only fifteen minutes left before the show officially begins. Kailangan na nating pumunta sa backstage para maghanda.” Tawag ni Bliss sa akin nung gabing iyon habang nakapiring mula sa pintuan ng aking dressing room.

Nakita kong may hawak-hawak siyang checklist at may suot-suot ring headset, na alam kong gagamitin niya mamaya bilang communicator sa mga staff members while the concert is still ongoing.

Tumango na lamang ako sa kanyang gawi, sinisiguradong hindi magagambala si Blair habang nilalagay niya ang finishing touches sa aking makeup. Lumipas ang ilang sandali, at natapos na rin ang kakambal ni Bliss sa paglalagay ng makeup sa aking mukha at pag-aayos ng aking buhok. At pagkaraan ay magkakasama kaming tatlo na tumungo papunta sa backstage ng NBGS Coliseum.

As you guys can already interpret, ngayon na ang performance night at grand concert namin ng Triple C, and it will even be broadcasted live and internationally on the television. Hopefully, magiging successful ang presentation namin, most especially since all of us gave our full concentrations to our rehearsals and final practices before the arrival of this day. Optimistically, if everything goes according to what we’ve prepared for, we’ll definitely end the event with a very memorable bang.

Ngunit pawang gulat na gulat naman ang mga tao sa backstage nang makarating kami ng aking mga pinsan doon, at halos lahat sila ay nakatuon ang kanilang mga atensyon sa performance area ng coliseum. Nakita kong ganun rin ang mga ekspresyon sa mga mukha nina Cedric, Kuya Carter, Kuya Chris at Kuya Marvin, which all the more added to my cousins’ and my own confusions.

“Teka, ano namang nangyayari dito?” Ang agarang tanong ni Bliss sa ilan sa mga staff members na nandoon, na pawang biglang-bigla pa rin.

May ilan sa kanilang mga natauhan na rin sa wakas, at dagli naman silang napaturo sa direksyon ng performance area.

“Siya po kasi, Ma’am.” Sagot ng isa sa mga empleyado.

Madali naman kaming nagsitungo nina Bliss at Blair sa bandang gilid ng performance area, at dagling nanlaki ang aming mga mata nang makita namin kung sino ang nandoon.

Nakatayo sa platform at may hawak-hawak na microphone ay walang iba kundi ang aking best friend at dating asawa na si Keith Jeric de Chavez.

“I’m really sorry for disrupting the beginning of the concert, everyone.” Pahayag niya, nakadiretso ang tingin at nakatuon ang kanyang atensyon sa audience.

Nanatili lang namang nakatitig sa kanya ang lahat, pawang gulat na gulat at naguguluhan talaga sa kanyang biglaang paglitaw doon. Napangiti naman nang konti si Keith at nagpatuloy na lamang sa pagsasalita.

“Pero wag po kayong mag-alala, sandali lang naman po ang pag-aantalang ito. I just want to grab this opportunity to dedicate this song that I’ve prepared most especially for this exceptionally particular night to a very special person in my life whom I know is definitely watching me during these moments.”

Mamaya-maya ay bigla na lang siyang lumingon patungo sa aking gawi, at pagkatapos ay binigyan niya ako ng isang masintahing ngiti.

“Lyks, this song is dedicated to you.” Sambit niya.

Dagli ring lumitaw sa performance area sina Drake, Dustin, Bendix at Devin, na agad na nagsipuntahan sa kani-kanilang mga pwesto. Si Drake ay pumuwesto sa tapat ng keyboard na nasa bandang gilid ng performance area, si Dustin ay may hawak-hawak na bass at pumunta sa isang side ni Keith, samantalang si Bendix ay tumungo sa kabilang side at may dala-dalang electric guitar, at si Devin naman ay nakapwesto sa pinakalikod at nakaupo sa isang stool na nasa harapan ng drums.

Nagsimula na rin silang magtugtog pagkaraan, and I immediately recognized the chords of the song, “I Can Wait Forever” by Simple Plan. Nakita kong nakatitig pa rin sa akin si Keith nung mga sandaling iyon kahit nung nagsisimula na siyang kumanta.

You look so beautiful today

When you're sitting there

It's hard for me to look away

 

So I try to find the words that I could say

I know distance doesn't matter

But you feel so far away

And I can't lie

 

Every time I leave my heart turns gray

And I wanna come back home

To see your face tonight

‘Cause I just can't take it

Pawang nabighani pa rin ang audience sa mga kasalukuyang pangyayari, pero mamaya-maya ay nagsimula na silang makisabay sa pagkanta ni Keith, and some of them were even swaying their arms up in the air, completely going with the flow and actually participating in this whole set-up.

Patuloy naman sa pagkanta si Keith, hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang kanyang kapaligiran at nanatili lang na nakatitig sa akin, at ganun din ang aking ginagawa nung mga oras na iyon.

Another day without you with me

Is like a blade that cuts right through me

But I can wait

I can wait forever

 

When you call my heart stops beating

When you're gone it won't stop bleeding

But I can wait

I can wait forever


I can wait forever

And after a short while, Keith stopped singing and breathed hard, samantalang ang kanyang mga kasamahan ay patuloy lang sa pagtugtog ng mga panghuling chords sa kanta.

“Lyka Nadine Santiago, mahal na mahal kita, and I really want you to come back in my life. I really want you to come back and become a part of my life once again, best friend.” Ang napakaseryoso niyang sambit, nakatitig nang maigi sa aking mga mata.

Aaminin kong wala na talaga akong ibang magawa kundi ang manatiling nakatunganga sa kanya nung mga oras na iyon, sapagkat masyado akong nagulat sa kanyang biglaang pag-amin hindi lang sa akin, kundi pati na rin sa harapan ng buong mundo. Keith’s confession was absolutely and without a doubt, the most unexpected happening that occurred this night, at sigurado akong ang kanyang ginawang iyon ay hindi agad-agad malilimutan ng kahit sinumang naka-witness nito.

Ngunit bago pa man may makapag-react sa aming lahat ay bigla na lang ibinalik ni Keith ang microphone na hawak-hawak niya sa stand, and he immediately ran towards the direction of the exit with his companions afterwards, completely disappearing from all of our sights.

[Click on the video at the side to listen to the song, "I Can Wait Forever" by Simple Plan.]

[P.S. I do not own the video, the song or the lyrics. Credits to the video makers, the song artists and the composers.]

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now