Pwersahan na lamang ako umiling at pilit na itinakwil sa aking utak ang mga kaisipang iyon. Pagkatapos ay nagpatuloy na lang ako sa aking pagmamasid sa labas ng bintana, nananatiling tahimik.

At pagkalipas ng ilang minuto ay ipinarada na ni Manong Diego ang kotse namin sa tapat ng Drew & Vanz. Madali naman akong lumabas mula sa sasakyan at pumasok sa looban, dala-dala ang case ko na naglalaman ng aking gitara. Nakita kong sumunod rin sa akin si Cedric, at magkasama kaming naglakad patungo sa counter.

“O, ano namang ginagawa mo dito, Lyka? Akala ko ba ngayon ang alis mo papuntang Washington?” Ang agad na tanong sa akin ni Tita Vanessa, na siyang nag-aayos ng mga naipon nilang pera nung araw na iyon, na nakapaloob naman sa cash register.

Napangiti naman ako nang konti sa kanyang gawi.

“Napadaan lang po ako dito saglit para magpaalam sa lahat kahit sa kahuli-huling pagkakataon man lang.” Sagot ko. “Tita, pwede po bang mag-perform ako dito ng kahit isang kanta lang? Just for my last performance?” Pagpapaalam ko.

Agad namang tumango ang mom ni Drake, at madali niya akong pinatungo sa stage.

“Naka-set-up na ang lahat, so you can begin your performance any minute you want.” Tugon niya.

Dagli naman akong tumango sa kanyang gawi at umupo sa stool na nakapwesto doon sa performance area. Inadjust ko ang microphone stand na nasa tapat ko at agad na nagsalita pagkatapos.

“Good afternoon everyone. So, for my last presentation in this bistro, I’m going to sing the song ‘12:51’ by Krissy and Ericka. This performance is dedicated to my first love, and later on, my first heartbreak. Sayang nga lang at wala siya dito ngayon kaya hindi niya rin mapapanood ang final recital ko sa bistro na ‘to. But anyways, I really hope that everyone will enjoy listening.” Pag-a-announce ko.

Madali namang nagsipalakpakan ang mga manonood, at pagkatapos ay nag-umpisa na akong mag-strum sa aking gitara at kumanta.

I'm scrolling through my cellphone

For the twentieth time today

I'm reading the text you sent me again

Though I memorized it anyway

 

It was an afternoon in December

When it reminded you of the day

When we bumped into each other

But you didn't say “Hi”

‘Cause I looked away

 

And maybe that was

The biggest mistake of my life

And maybe I haven't moved on

Since that night

 

Napasulyap ako saglit sa aking bandang harapan, at nakita kong 12:51 PM na nga sa orasan na nakasabit sa bandang itaas ng counter, thus corresponding with the song that I’m singing right now. Wow, the irony of it all, right? Perfect atmosphere. Perfect song. Perfect time. Sadyang masyado na talagang nasiyahan si tadhana na paglaruan ako at ang buhay ko. 

Huminga na lang ako nang malalim at napapikit pagkaraan, completely feeling the song and letting my emotions radiate from the bottommost part of my heart.

 

‘Cause it's 12:51

And I thought my feelings were gone

Married by ACCIDENTWhere stories live. Discover now