C h a p t e r (15)

Start from the beginning
                                    

“Tara.” Hinila ako palabas ni baklito.

“San tayo pupunta?”

“Sa garden.” Hindi nalang ako sumagot hanggang sa makarating kami sa garden. Umupo lang kami don sa may bench.

“Shit.” Yan ang unang salitang lumabas sa bibig ni Geoff. 

“Geofferson! Bakit… bakit nandito si Sir?!” hininaan ko ang boses ko. Baka marinig ako mahirap na!

“Hindi ko rin alam!” mukang pati siya naguguluhan.

“Anong hindi mo alam? Kaibigan ng mga kuya mo hindi mo kilala?!” control Shara. Control!

 

“Aba paki ko naman sa kaibigan ng mga kuya ko!” iritado niyang sagot tsaka umirap.

“Eh… ngayon lang ba nagpunta dito si Sir?” halos pabulong nalang yung pagkakasabi ko ng Sir. Ayokong may makarinig.

“Gagi ka Jace! Magaling ka pa rin!” natatawang sigaw nung kuya ni Geoff mula sa sala. Mukang naglalaro na nga sila. Si Sir? Naglalaro? Bago yun ah!

Sabagay... baka kasi hindi ko pa ganun kakilala si Sir.

Napabuntong hininga ulit ako. Hays.

“Oo.” Napakamot siya sa ulo niya. Mukang frustrated ang bruho. Bakit kaya?

“Frustrated na frustrated ka ata. Bakit?” kahit ako din naman eh! Pero siyempre hindi ko naman pwedeng sabihin!

Tiningnan niya lang ako.  “Huy! Bakit nga?”

Huminga muna siya ng malalim.  “Eh kase…”

“Eh kase?”

“Eh kase ano…”

“Eh kase ano nga?” Nakakainis naman to! Pabitin!

 

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now