"H-hindi ko naman sila hinahanap."tugon ko.

"I know you Lyndsel. You can't fool me."

Tumayo ako at hindi na nag salita.

"Where do you think you're going?"tanong ni Zian.

"Susunod lang ako kay Ryohei."pag papaalam ko.

Pag baba ko, walang kasasakyan sasakyan itong tinatahak naming daan. Tahimik na ang buong highway. Nagulat ako ng may mag salita sa likod ko.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko dito."si Ryohei pala na nakatingin lamang sa pinanggalingan namin.

"Guys bakit kayo bumaba?"si Jael papalapit sa amin kaya hindi ko na naitanong kay Ryohei ang ibig sabihin ng sinabi niya.

"Ano ibig sabihin nung ingay kanina. Saka bakit ka biglang pumreno? May problema ba?"tanong ko.

---

"Ano! Teka hindi tayo pwedeng bumalik doon. Paano ang parents namin! Kuya kausapin mo nga siya. Gusto ko na makita sila Mama!"sabi ni Nerrise.

"Nerrise, huminahon ka muna okay?"pagpapakalma ni Tyrone.

"I have no choice. Utos 'to ng nakatataas. Naka red alert na ang buong city. Ibig sabihin noon, Wala ng ligtas na lugar. Mapanganib na para sa atin kung mag papatuloy tayo sa binabalak natin---"

BOOOGSH!

Lahat ay napayuko ng makarinig ng mala;akas na pag sabog at saka lahat kami madaling lumabas at...

"Fuck!"wika ni Zian ng mahina.

"S-soldier, ano yang pag sabog na yan? Saka, hindi ba... Dyan tayo nanggaling?"tanong ni Misty.

Mabilis na tumakbo si Jael pabalik sa harapan ng sasakyan at wala pang ilang minuto ay bumalik agad siya.

"Kailangan na nating umalis dito. Wala ng sumasagot sa radyo. Tingin ko may malaking---"natigilan siya sa pag sasalita.

"Ba't ka natigilan?"tanong ni Misty.

"Narinig niyo ba 'yon?"

Sa sinabi ni Jael, lahat ay tumahimik at nakiramdam.

"Urgghh."

Nagkatinginan kaming lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi lang isa o dalawa ang ungol na 'yon kundi parang isang hord talaga ng Zs.

"Shit! Mag tago kayo bilis!"utos ni Ryohei.

Biglang may humila sa kamay ko kaya't nag patangay na lamang ako. Hindi kami sa sasakyan nag tago, sa taranta naming lahat, nag kawatak-watak kami. Dito kami nag tago sa damuhan sa gilid ng highway.

"Bakit dito tayo Zian nag tago?"tanong ko saka tumingin sa taong nasa kanan ko ngunit nagulat ako kung sino ang kasama ko. "J-Jackson?"

"Hindi ligtas sa sasakyan. Masyado tayong marami."seryoso niyang tugon.

Napatango lamang ako. Pilit kong iginagala ang paningin ko sa highway para makita ang iba ngunit bigo ako dahil makakapal ang talahib na tinataguan naming at nasa side ako na madami-dami ang mga damo. Nakakainis naman talaga! Habang tumatagal, palapit na ng palapit ang mga ungol.

"Anong gagawin natin Jackson?"tanong ko.

Tumingin siya sa'kin. Matagal ko ng hindi natititigan ang mga mata ni Jackson ng ganito.

"Wengya, ako pa tinanong mo. Baka pag nag suggest ako, ikapahamak mo pa."tugon niya.

---

Third Person's P.o.V

Undead CityWhere stories live. Discover now