Part 18

2K 61 4
                                    

Pangatlong linggo na ng klase at marami na rin kaming ginagawa. Lalo na kay Sir Kenneth sa Chemistry.

"Nako dapat bago mag Christmas Vacation aalis tayo ah. Sobrang stress na ako haha" biglang sabi ni Anna.

"Gusto ko na nga umalis ngayon eh" sabi naman ni Alvin

Kaming lima pa rin magkakagrupo. Ako, Anna, Jenn, Alvin at Bryan.

"Tara wag na tayo gumawa, pag usapan na lang natin kung saan tayo pupunta haha" sabi ni Anna.

"Tara haha"

At nagtawanan kami.

"Gusto ko mag beach tayo please"sabi ko naman

"Edi tara uli samen sa Pangasinan" sabi ni anna

"Sa iba naman, yung di natin alam lahat para exciting" sabi ko naman

"Hay nako feeling ko bagsak natin neto sa star city o Enchanted Kingdom hahaha" biglang sabi ni Jenn

Tahimik si Bryan. Di ko namen alam kung bakit.

"Bryan may idea kaba kung saan pwede pumunta?" Sabi naman ni Alvin

"Hmmm. Try natin sa Zambales, maraming beach dun. Anawangen, Nagsasa, Capones at walang signal dun kaya talaga totoong bakasyon gagawin natin dun." Yaya ni Bryan

"Ay gusto ko yan tara dun na lang tayo!" Sabi ni jenn bigla

Gusto namen yung idea na walang signal kaya magbabakasyon lang talaga.

Tinext ko si Marine.

"Nag uusap kami kung saan pwede magbakasyon bago mag christmas break hehe"

Nagtext naman siya agad

"Oh saan niyo naman balak?"

"Sa Zambales sana"

"Ang layo naman. Pwede ba sumama? :))))" sabi niya

Tinanong ko sila kung pwede magsama pero bago ko pa matanong nagsalita na si anna

"Sasama ko si Brandon ah? Okay lang?"

"Sige, sama tayo ng ka date haha" sabi ni Alvin

"Basta kami na ni Pat magka date" biglang sabi ni Bryan

"Ayy bawal. May ka date siyang marine Bryan. Hihi diba Pat?" Biglang sabi ni anna

"Marine? Sinong marine?" Sabi ni Bryan na nalungkot bigla

"Yung manliligaw niya! Yieeeeeeeeh" pang aasar ni Anna

Buti alam ng buong grupo na bi ako kaya okay lang pero iba yung tingin ni Bryan. Nalungkot siya at biglang lumabas ng room.

"Bakit kasi kailangan mo pang sabihin yun anna" sabi ko sakanya.

"Sorry di ko naman intensyon huhu"sabi ni anna

Hinabol ko si Bryan palabas. Pumunta siya ng CR.

Nakita ko siyang naghihilamos.

"Bryan?" Lapit ko sakanya.

"Ano bang gusto mo pat? Bakit hindi mo ko magustuhan? Binibigay ko naman lahat ng kung ano ako ah? Bakit hindi mo maappreciate?" Sabi ni Bryan na medyo paluha

"Bryan, hindi ikaw ang problema. Pinipilit ko naman eh pero hindi ko talaga kaya. Sorry" paliwanag ko

"Edi sana sinabi mo na lang sa simula pa na ayaw mo. Hindi yung tinali ko yung sarili ko sayo. Hindi yung sama ako ng sama sayo pero di naman pala ako gusto mo"

"Bryan, sorry. Sorry talaga. Kasalanan ko. Sana sinabi ko nalang sayo tungkol kay Marine"

"Sino naman yang Marine na yan? Si JM? Si Dan? Sino pat!!! Sabihin mo saken!!" Naiiyak na si Bryan sa sinasabi niya.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon