Part 10

2.2K 62 2
                                    

Bumaba na kami ni Bryan at nakita namen si Jenn na nagluluto sa kusina.

Nasa labas silang lahat. Tanaw ko si Anna at Brandon na nakahiga at nag susunbathing.

Si Dan, JM at Alvin naman nasa beach.

"GoodMorning!" Bati ni jenn samen

"GoodMorning" sabay nameng bati

Ngumiti na lang si Jenn.

Lumabas si Bryan at nagsabi magpapalamig.

Nung naka tyempo eh nagkwentuhan kaming dalawa ni Jenn.

"Pat alam mo, matagal ko ng ramdam kung ano ka. Okay lang naman saken. Ang cool kaya ng may tropang ganyan!" Panimula ni jenn

"Eehh di pa naman din ako sure sa sarili ko"

"Ehh sino yung marine sa kwarto mo noon?

"Ahhh ehhhhhhh. Wala yun"

"OMG manliligaw mo din yun?"

"Hindi ah! Magkaibigan lang kami"

"Lokohin mo ko pat. Sinusundo ka sa labas ng room tapos hindi nanliligaw?"

"Hindi nga. Pero gusto ko sana kaso hindi eh" sabi ko. Bigla akong nalungkot kasi naalala kong di pa din niya ako kinakausap.

"Ehh pano si Bryan?" Tanong naman ni jenn.

"Ehh siya yung andiyan. Sweet siya at grabe mag alaga."

"Kilala ko si Bryan pat, mabait siya. Sana bigyan mo siya ng chance :))"

"Oo nga eh. Naguguluhan ako"

Biglang pumasok si Bryan at sumingit sa usapan namen.

"Oh? Ako ba pinaguusapan niyo?"

"Haha hindi. Wag ka assuming diyan hahaha. Sige labas na muna ako. Kumain na kayong dalawa diyan ha!" Sabi ni jenn at lumabas papuntang beach.

"Ang ganda ng beach! Tara ligo tayo" pagyayaya ni Bryan.

"Gusto ko nga rin eh. Tara!!"

Kumain kami at nagbihis na ng beach attire.

Naka boxer shorts ako, at sando na sobrang nipis. Wala akong paki sa suot ko kaya ayun na lang haha.

Nakita ko suot ni Bryan. OMG

Naka trunks lang siya. Wala siyang pang itaas. Mabuhok yung binti niya pero ang hot tignan. Naka shades pa siya. Kitang kita mo yung pagka mestiso niya dahil sobrang kinis niya talaga.

Malaki pwet niya, matambok. Grabe. Maganda din pala katawan ni Bryan, mas malaki katawan ni Marine pero ang linis tignan ni Bryan.

Lumapit na siya saken at inakbayan ako.

Ang bango niya. Amoy silka papaya na sabon. Amoy conditioner din yung buhok niya. Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil nahihiya ako sa pag akbay ni Bryan.

Nasa beach na kami at nakita namen silang masaya at nagtatawanan.

Hindi gaanong maaraw kaya ang sarap magbabad sa beach.

"Tara ligo!!!!!" Sigaw ni Anna habang nasa dagat.

Tumakbo naman si Bryan dahil sa ssobrang excitement.

Ako naman, napagpasyahan maglakad lakad lang at mag muni muni.

Iniisip ko si Marine kung ano na nangyari sa kanya. Bakit di niya ako kinakausap. Ayaw na niya ba saken?

Di ko napansin ang layo ko na pala.

Medyo mataas na sikat ng araw, buti na lang may nakita akong kubo at sisilong ako.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryWhere stories live. Discover now