Part 17

2.1K 61 0
                                    

Galing akong SM Manila at bumili ng mga chichiriya. Di ko na sinabi kay Marine baka kasi hindi siya pumasok sa klase.

Isang linggo nang nakalipas nung nagsimula siyang manligaw saken. Sobrang saya kasi araw araw kami nagkikita at lumalabas.

"Bakit di mo sinabi na mag ggrocery ka pala? Sana sinamahan na lang kita :((((((" text saken ni Marine.

"Baka kasi di ka pumasok eh. Kaya ko naman ehh smile emoticon" sabi ko habang nagtutulak ng cart sa department store.

"Eh alam ko kaya mo pero gusto kita samahan" sabi niya pa.

"Ehhh okay lang basta mag aral ka jan kiss emoticon"

"Ayyyy sana totoo yung kiss frown emoticon"

"Hahaha. Ayaw mo nga ako ikiss eh frown emoticon" pagddrama ko sakanya

"Gusto ko special first kiss natin :")" sabi niya

Kinikilig ako sa textan nameng dalawa.

Naglakad lakad pa ako sa store kasi ang sarap tumingin tingin lang ng mga pagkain.

"Pat!!!!" Sigaw nung nasa likod ko.

Nilingon ko at andun si Dennis.

"Uyy Dennis!" Bati ko habang palapit siya.

"Sino kasama mo???" Sabi niya saken habang nakangiti. Nakasuot siya ng school uniform niya sa CEU. All white at naka ID. Mas bagay sakanya naka uniform. Ang cute ng pagka chinito niya at kakisigan.

"Wala ako lang. Hehe kasama mo ba si Paulo?" Sabi ko sakanya.

"Babe! Walang maanghang na pancit canton" sabi ni Paulo habang papalapit kay Dennis

Nung mapansin niya ako nag Hi siya.

"Uy pat hello! Kumusta?" Sabi niya saken habang nakaakbay kay Dennis.

"Ayus lang!di ako sanay na nakauniform kayo haha"sabi ko kasi naka uniform din si Paulo. Parehas kaming naka gray polo at black pants. Sobrang bagay nilang dalawa talaga. Sobrang pogi at pati kulay ng braces nila parehas!

"Hahaha first time din kita makitang nakauniform. Ayan may kasama ka na. Papasok na lang ako babe kasi kilala ko prof ko dun, pag perfect attendancr sure pass"sabi naman ni Paulo kay Dennis

"May klase ka ba Pat?"tanong naman ni Dennis.

"Ahh mamaya pa namang 1PM hehe" sabi kong ganun.

Tumingin ng oras si Dennis "ayan 11 pa lang naman. Samahan mo muna ako please? Libre ko! Hehe"

"Hmmm osige sige pero papasok ako ah bawal ako unabsent haha" sabi ko naman

So binayaran ko na mga pinang grocery ko at pumunta kami sa Chatime. Treat naman ni Dennis. Pero bago yun nag kiss sila sa lips. Wala silang paki kung may makakita sakanilang dalawa at nagsabihan pa ng I love you.

Nasa chatime na kami at bumili siyang dalawang milk tea at tacos.

"Kumusta kayo? Ang sweet sweet niyong dalawa nakakaasar huhu"sabi ko sakanya habang umiinom ng milk tea.

"Okay naman, 10 months na kami ngayon. Kaya kami bumili ng mga pagkain kasi mag cecelebrate kami sa inupahan nameng kwarto"

"Ahhh nagdodorm ka rin?" Tanong ko naman

"Oo na hindi. Pmupunta lang kami dun pag ayaw namen umuwing pareho haha" sabi niya

"Ahhhh. Congrats Happy 10 months. Sana maranasan ko rin yan!" Sabi ko sakanya

"Ano kaba ikaw pa ba hehe andiyan naman si Bryan eh" sabi pa niya

Napangiti na lang ako.

"Bakit ba ayaw mo kay Bryan? Okay naman siya ahh?" Nasabi ni Dennis

My Marine Love - Pinoy M2M StoryWhere stories live. Discover now