Part 35

1.5K 40 2
                                    

sobrang taranta ko, binigay ko nalang yung martilyo sa kanya at pumasok ako sa tent ko.

Shit, pano to? Bakit siya andito? Bakit kailangan niya akong sundan dito? Pano niya nalaman na andito ako?

Sinilip ko siya sa labas at nakita kong nakikipag usap siya sa hiraman ng tent.

Napakagwapo ni Marine sa suot niyang sando at board shorts. Naka shades pa siya at talagang lalong lumakas yung dating niya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pero gusto ko siyang makausap agad.

Nag ayos ako ng gamit ko. Nakita ko yung suot ko, Diyoskopo naka pantalon pa ako. Kailangan ko siya akitin para siya ang lumapit saken.

Nagpalit ako ng shorts na pang swimming at nag sando lang ako. Nag ayos ako ng buhok at nagpabango.

Lumabas ako ng tent para maglakad lakad pero nililingon lingon ko siya baka sakaling tumingin saken. At yun nga, nakatingin siya saken.

Di ko alam reaksyon ng mata niya dahil sa shades pero nakatingin siya saken.

Nakita kong palapit si Kuya na nagpahiram saken ng tent. Kinausap niya ako.

"Sir, baka po pwede kayo makipagshare ng tent? Nasa pagawaan po kasi yung iba. Di naman po namen alam na may turista kami ngayong Pebrero." Sabi ni Kuya saken.

"Ahhh eh sino naman po makikishare"

"Ayun po oh, taga Maynila rin siya." At tinuro ni Kuya si Marine!

Bakit ganito? Tadhana naba gumagawa ng paraan para magkasama kami?

"Ah sige kuya" sabi ko.

"Mukha ho naman siyang mabait at nandito daw po siya para magrelax at alisin lahat ng stress para daw pagbalik niya sa Maynila, maguusap na daw sila ng mahal niya" paliwanag ni Kuya

Medyo chismoso si manong pero shit. Same reason kung bakit ako andito. Nakakatuwang isipin.

Umalis na si Manong at kinausap si Marine. Mukhang sinasabi na niya na pumayag ako maki share.

Malaki kasi yung tent. Pang 6 na tao.

Kaya lumapit na si Marine papunta saken. Sa sobrang taranta ko, umalis ako at naglakad lakad sa may dagat.

Di ko kakayanin kung kakausapin ko siya tapos di niya ako papansinin. Gusto ko siya na lang lalapit.

Ala una na ng makita ko siyang sumakay ng bangka. Nalungkot ako kasi babalik na agad siya. Nasira ko bakasyon niya.

Bumalik na lang ako sa tent. Akala ko destiny na, hindi din pala.

Pagpasok ko sa tent nakita kong andun pa yung gamit niya. Ihahabol ko sana pero nakaalis na yung bangka.

Nacurious ako sa mga dala niyang gamit. Kaya tinignan ko yun. Nakita ko yung mga sando niya at tshirts, inamoy ko yun at sobra akong natuwa. Ganun na ganun kasi amoy niya. Ganun na ganun yung pagkakakilanlan ko sakanya.

Nakita ko rin mga white underwears niya, at inamoy ko rin haha. Nakakalibog na nakakatuwa. Nakangiti ako habang inaamoy mga damit niya. Pero nakaramdam ako ng lungkot. Naalala ko na naman yung nangyayari samen ngayon. Naiiyak na naman ako.

Bumabalik lahat ng sakit.

Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Sa sobrang pagiyak ko, nakatulog ako.

"Pat?" Patrick?" Ginigising ako sa loob ng tent.

Pagmulat ng mata ko di ko pa masyado nakita kung sino yun.

"Patrick, inuupan mo mga gamit ko" sabi pa niya.

At dun ko na namukhaan, shit. Si Marine yun!

"Ay eh sorry" sabi ko sakanya.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon