Part 19

1.9K 63 1
                                    

Nagising akong nakayakap saken si Marine ng nakasando at boxer shorts.

Yung amoy na nakakaadik. Yung amoy na nakakalibog at niyakap ko lang siya pabalik. Gumanti rin siya ng yakap at alam kong gising na siya.

Sabay na kaming pumasok na dalawa. Nakaakbay siya saken habang papuntang school.

Nakasalubong namen si George na nakatambay pa sa court.

"Uy kaapelyido, pasok na tayo" sabi ko sakanya nung malapit na ako.

"Hehe sige una kana!" Sabi niya

At hinatid na uli ako ni Marine sa room.

"Sino yun? Kaapelyido mo?" Tanong niya.

"Oo, Ramos din apelyido nun eh" sabi ko naman.

"Hala e papalitan na natin yang apelyido mo ng apelyido ko eh, so Hererra na last name mo simula ngayon!" Sabi niya sabay ngiti.

"Baliw ka talaga haha" sabi ko pero sa loob loob ko kinikilig ako.

"Baliw sayo" at kininditan niya ako.

"Haha pumasok ka na!" Sabi ko sakanya

"Sige. Magtext ka pag ginugulo ka uli ni Bryan ah?"

"Hindi ko hahayaan yun."

Pumasok na ako at andun na sila jenn.

"Ano nangyari kay Bryan bakit may pasa sa mukha?" Bungad ni Jenn.

"Ahhh nagaway kasi sila ni Elmer eh"

"Hala bakit?!"

"Ehh kasi nalaman niya nga about kay Elmer tas nagalit saken si Bryan, eh nakita ni Elmer, ayun nagaway." Paliwanag kong ganun.

"Ang haba ng hair mo diyan pat haha. Pero okay naman kayo ni Bryan?"

"Wala akong balak kausapin siya" sabi ko nalang.

Math class namen kaya naka arrange kami alphabetically.

Naghihintay kami ng prof at nagsosoundtrip muna kami.

Katabi ko si George at rinig na rinig ko yung pinapatugtog niya. Lady Gaga!

"Uyy Little monster ka rin?" Tanong ko kay George

"Ahhh gusto ko kanta ni Lady Gaga eh!" Sabi niyang ganun.

"Wow parehas tayo! Performer kasi siya no? Di gaya ng ibang artist na d marunong mag live. All in one na si Gaga," puri kong ganun.

"Ganyan din pananaw ko!! Ahhhh! Minsan nahihiya akong sabihin Lady Gaga fan ako e kasi sasabihan akong bading, buti na lang nakakarelate ka saken. Yes!" Bigla siyang nabuhayan.

"Fave song mo?" Sabi ko sakanya.

"Syempre HAIR! I just wanna be, I just wanna be free. Ohhhh!!! Napapakanta ako haha"bigla niyang sabi

"Ahhhhh fave ko din yan!!!" Sabi kong ganun sa sobrang excitement.

"Nag announce siya na may Born this way ball dito sa pilipinas ah?? Pupunta ka sa concert niya?" Tanong niya saken.

"Di ko alam eh. Ang mahal kasi eh. Pag nakaipon ako pupunta ako kahit ako lang mag isa haha" sabi kong ganun.

Nagpatuloy pa kwentuhan nameng dalawa dahil sobrang magkapareha yung music taste nameng dalawa.

Biglang dumating na yung prof namen at natahimik na kami.

Natapos yung klase na puro kwentuhan lang kami ni George about kay Lady Gaga.

"Nakakatuwa naman at may ka little monster pala ako dito sa school."sabi kong ganun.

"Hehe oo nga e. Sige una na ako ahh! Bye"

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon