Part 29

1.4K 50 4
                                    


Di ko siya pinansin hanggang sa makarating kami ng terminal. Todo suyo siya saken pero nangingibabaw yung inis ko at galit.

"Mahal, kausapin mo naman ako" sabi ni Marine saken sa sasakyan.

Si Kuya Argie nagddrive at pinagtatawanan kaming dalawa.

"LQ ang magjowa ah hahaha"

Nakarating na kami sa terminal at nagpasalamat ako kay Kuya Argie.

Sinundan ako ni Marine hanggang sa makasakay ako ng bus.

"Magpaliwanag ka ngayon, may 20minutes pa bago umalis tong bus" sabi ko sakanya.

"Hayst. Sa tanan ng buhay ko, Si Camille at ikaw lang nakarelasyon ko. Si Camille, siya yung tumulong saken nung naglayas ako. Pero kahit siya yung nakasama ko, wala siyang nagawa sa ugali ko. Nag iinom pa rin ako, naninigarilyo, nagchochongke. Nagbago lang ako sayo. Di ko sinabi sayo kasi baka magbago tingin mo saken" paliwanag niya at ramdam ko naman pagkasincere niya.

Bumaba muna kami ng bus at naglakad lakad.

"May issue lang ko sa di pagsasabi, kung wala namang masama, bakit hindi masabi diba? Mas nakakainis pa kung sa iba ko malalaman." Sabi ko naman

"Sorry talaga."

"Osige okay na."

"Hehe I love you!" Sabi niya saken.

Tinatawag na yung bus ko at aalis na daw.

"I love you too" sabi ko sakanya at hinalikan niya ako sa labi.

Nagulat ako kasi alam kong maraming tao pero wala siyang paki. Ngumiti lang siya at ngumiti rin ako. Sumakay na ako ng bus at umalis.

After 12hrs na byahe. Nasa Bicol na ako.

Diretso ng Camarines Sur yung Bus kaya dun na ako sa may kanto namen bumaba.

Sinalubong ako ni Mama at Kobe.

Niyakap ko si Mama ng mahigpit. At nakipagkamay naman ako kay Kobe.

Buong Christmas at New Year vacation andun lang ako sa Bicol. Araw araw naman kaming nag uusap ni Marine at nag sskype.

Back to school na uli sa Monday at araw na ng pag balik ko sa Manila.

"Uy ang saya ng bakasyon ko. Hehe sayang sa summer ka pa makakabalik dito" sabi ni Kobe saken habang nakangiti. Ang gwapo ni Kobe talaga at lumalaki na rin katawan niya dahil sa pag gym.

"Hehe nag enjoy din ako, minsan kayo naman dumalaw dun sa Manila" sabi ko sakanya.

"Kung may matutuluyan lang ako dun eh, dun na ako palagi haha"

"Haha pwede kang tumuloy sa dorm ko ano ka ba para na kitang kapatid" sabi ko naman sakanya.

"Ahh oo. Kapatid. Hehe sige mag ingat ka Pat ah?" Sabi niya saken.

"Oh anak, 8PM alis ng bus mo kaya magmadali kana" sabi naman ni mama

"Bye ma. I love you. Bye Kobe, pakibantayan sila mama ah?"

"Oo sige hehe"

Di naman ako susunduin ni Marine kasi may outing silang pamilya.

Pagbaba ko ng terminal, ang dami kong dalang bag. Dami kasing pinauwi ni mama na pagkain.

Nag aabang ako ng cab dahil di ko kayang mag commute pauwi, kahit mahal sige okay na to.

Pero maya maya may bumusina saken,

"Pat!!!" Sigaw nung nasa sasakyan at nakita ko si Dennis yun!

"Pat! San ka? Pauwi na rin ako sabay kana saken!" Sabi pa ni Dennis.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon