Part 21

1.9K 61 0
                                    

Nakadapa ako sa kama at nagtytype. Nakaupo naman si Marine at nagsusulat sa maliit na lamesa sa tapat niya.

"Mahal ang dami neto ah hahaha." Sabi niya saken habang nag inat.

Lumabas sa sando niya yung utong niya at bumakat yung makaki niyang katawan.

"Huhu sige okay lang. Ako nalang magtatapos niyan mamaya" sabi ko naman

"Syempre joke lang. Ang konti nga ehh. Wala na ba diyan?dali sulatin ko pa kina jenn"sabi niya at tumawa siya.

Yumakap ako sakanya sa likod at hinalikan ko sa pisngi.

"Hehe salamat!" Sabi ko sakanya.

At dumapa na uli ako. Ngumiti lang siya sa ginawa ko.

Kinagabihan, tumatawa si mama saken.

"Hello ma?" Bati ko

"Hello Anak, babalik na tayo sa probinsiya. Sorry kung ngayon lang naman sinabi. Nagkasakit kasi si tatang mo dun, gusto niyang bantayan natin yung bahay niya dun. Wag ka mag alala, hindi ka lilipat ng school. Diyan ka sa dorm mo muna hanggang makatapos" sabi ni mama

"Hala ma, sige po. Sama ako paglipat para mabisita ko rin si tatang" sabi kong ganun.

Biglang huminto si Marine sa ginagawa niya at tumingin saken. Sinenyasan ko siyang mamaya ko sasabihin.

"Sige anak, balak namen umuwi na nextweek. Si ate mo naman dito lang din, magdodorm na lang dn siya malapit sa office." Sabi pa ni mama.

"Sige ma, kailan ba ako uuwi?"

"Sa friday anak, tapos gusto mo sa sunday kana bumalik. Dun ka muna sa Bicol ng 2 araw."

"Sige po ma!"

At binaba na yung tawag.

"Oh ano nangyari??" Tanong ni marine.

"Si tatang daw wala na. Eh sila mama at papa dun na daw titira, e mas okay naman kasi dun may lupa dun na sakahan at may palaisdaan din."

"Okay kalang ba?" Tanong niya pa

"Ayy oo. Okay lang. Malungkot din kasi nawala si tatang ng isang beses palang kami nagkikita" sabi ko.

"Osige. E kailan kayo uuwi?"

"Sa friday daw sabi ni mama"

"Gusto mo ba sumama ako?"

"Bicol pa yun haha"

"Eh ano naman kung sa Bicol?"

"Ay, kahit na. Malayo. Tsaka sa pamilya mo muna ikaw okay? Mas gusto ko andun ka. Papakilala kita nextime sakanila hehe" sabi ko nalang.

At bigla siyang nalungkot.

"Wag kana malungkot diyan" sabi ko sakanya at nilaro laro yung mukha niya.

"Mamimiss kita nun" sabi niya pa.

"Ehhh mag tawagan nalang tayo hehe"

"Osige hehe" sagot niya.

8 na ng gabi at pinauwi ko na si Marine. Ayaw pa sana niya kaso sabi ko umuwi siya at dun na siya matulog palagi.

Pumayag naman siya at umalis na.

Tinuloy ko lang ginagawa ko. Nagtetext pa rin kami ni Marine kahit andun siya sa kanila. At may nagtext na unknown number.

"Maraming Salamat talaga patrick! Andito si Elmer kumakain ngayon. Sobrang salamat sayo!:) mama niya to."

natuwa ako kasi gusto ako ng mama niya.

"Palagi na po siyang andiyan tita hehe" reply ko naman.

Lunes na naman! Buti natapos ko lahat ng pinapagawa samen.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon