Part 25

1.7K 54 0
                                    

"Mahal mag ingat na tayo simula ngayon ah. Baka kung anong gawin nung mga yun" sabi ni Marine saken.

"Natatakot ako." Sabi ko naman sakanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit, amoy na amoy ko yung pabango at pawis niya na naghalo. Sobrang nakakaadik.

"Hindi ko hahayang saktan ka nila okay? Wag ka mag alala. Andito lang ako sayo" sabi ni Marine.

"Salamat."

At nagbell na. Rinig namen ang ingay ng mga estudyante sa labas at lumabas na rin kami.

Sa baba nakasalubong namen si Bryan, hindi pa rin niya ako tinignan at di ko rin siya tinignan.

"Wag ka mag alala. Hindi naman siguro mananakit yang mga yan haha wag ka matakot mahal."sabi niya saken.

"Opo."

Lumipas ang araw na di ako natatakot dahil palaging andiyan si Marine sa tabi ko. Pag nakkatulog nako sa dorm eh uuwi na siya.

Hindi ko pinapayagang matulog siya sa dorm para na rin sa mama niya.

Friday na at araw na ng alis namen!

Tinapos lang namen yung klase nameng hanggang 12PM at nag asikaso na kami.

Pero sabi ni Anna baka gabi na kami makapunta dun. Kaya dun na lang daw kami matulog sa bahay nila tapos aalis kami ng madaling araw.

Nagtext si Jenn samen na di raw siya makakasama at may sakit daw siya.

Sa bahay naman nila Anna, malaki to. Kasing laki ng bahay namen sa Bicol. Bihira makakita ng bahay sa Manila na ganito kaganda. Mayaman talaga sila Anna.

Kanya kanya kaming dala ng gamit nameng pang camping dahil pupunta daw kami sa isang isla dun at magpapalipas ng gabi. Grabe sobrang nakakaexcite.

Nung may tyempo nagkausap naman kami ni Anna.

"Uy anna may tatanong ako kaso okay lang kung di mo sagutin" bungad ko kay Anna,

"Hmm mukhang seryoso yan ah haha. Ano ba balita?" Sabi naman niya.

"Wala naman, hmm ano bang feeling ng may kahalikan?" Tanong ko

At natawa siya ng sobra! Nabilaukan pa sa iniinom niyang tubig. Nagkatinginan tuloy lahat samen.

"Wag ka maingay Anna nakakahiya huhu" sabi ko kay Anna.

"Sorry Pat hahahahaha. Di ko lang makapaniwala. Di pa kayo nagkikiss ni Elmer?" Tanong ni Anna.

"Ayaw kasi niya eh. Gusto nya special daw."

"Aweeeeee!!!! Ang sweet naman pala!!!"

"Eh kayo ni Brandon? Panl yung first kiss niyo?"

"Hmm. Nung sinagot ko kasi siya, may bongga siyang ginawa. May message na "will you be my girlfriend" tapos kada letra, may isang taong nakahawak, o diba ang sweet. Tapos ayun, umoo ako tapos nag kiss na kami hihi" halatang kinikilig si Anna habang knkwento to.

"Argh sweet din nman nung proposal niya saken pero di niya ako kiniss" sabi kong ganun na medyo nalungkot.

"Hahaha ang cute niyo!!! Tanungin mo na lang siya. Kulitin mo haha" sabi ni Anna.

Lumapit naman ako kay Marine at naglambing. Nakikipagkwentuhan siya kay Dan.

Bigla ko siyang niyakap sa likod at bumulong.

"Kiss mo ko" paglalambing ko.

Humarap siya saken at tinignan ako. Hinawakan niya yung ulo ko at tinignan kung may sakit ako.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ