Part 26

1.6K 46 0
                                    

Siyam kaming nakasakay sa bangkang de motor. At may dalawang bangkero.

Sobrang ganda ng tanawin habang tumatawid yung bangka namen patungong Nagsasa beach.

Sa dulo kami nakaupo ni Marine. Naka white sando lang siya at naka shorts at slippers. Napakaganda talaga ng katawan niya na macho at labas na labas kagwapuhan niya.

Nakakandong ako sakanya at nakayakap siya saken sa likod.

"Ang ganda dito mahal!" Sabi ko sakanya habang nakatingin sa napakagandang view. Matataas ng bundok at ang napakalayong nasasakupan ng kulay asul na tubig ng dagat.

Nagtatawanan lang silang lahat at nagkkwentuhan habang kaming dalawa ni Marine ineenjoy namen yung tanawin.

Halos isang oras din yung byahe ng bangka. Sobrang sarap sa pakiramdam nung preskong hangin at napakagandang tanawin.

Nakarating na kami sa Nagsasa beach. Doon may mga cottage na iilan sa bungad pero makikita mo yung mala forest na tanawin sa di naman kalayuan. May waterfalls pa raw dun.

"Sobrang ganda!!" Sabi ko sakanila.

Nag ayos muna ng tent sila Marine at kasama ko naman si Anna at Jenn na nag ihaw. Sobrang dami nameng dalang pagkain at dinagdagan pa ng pagkain na dala nila Jenn.

Biglang lumapit si Bryan samen.

"Uy Pat, sorry talaga sa nangyari non ah? Okay na ako. Sana okay kana rin, ayaw ko sana masira yung bakasyon na to dahil dun hehe" sabi niya saken habang nakangiti. Gwapo talaga si Bryan at sobrang kinis.

"Hayaan mo na yun hehe"

"Good. May dala kaming alak nila JM, inom tayo mamaya ah!" Sabi pa ni Bryan.

"Oo ba sige"

Napansin ni Marine na naguusap kami ni Bryan at lumapit siya saken at inakbayan niya ako.

"Mahal tulungan mo naman ako sa tent" sabi niyang ganun at hinalikan niya ako sa ulo.

Nakita kong umiwas ng tingin si Bryan at umalis.

"Ano pinaguusapan niyo?"Seryosong tanong ni Marine.

"Ahh wala, nag sorry lang siya hehe."

"Hmm osige, nagselos lang ako bigla nung nakita ko kayong magkausap" sabi pa ni marine at kinilig ako sa sinabi niyang yun.

Umalis na si Marine at bumalik sa tent.

"Swerte mo talaga kay Elmer!!" Sabi ni Jenn bigla.

"Hehe swerte talaga"

"OMG Pat, nagkiss na ba kayo???" Tanong pa ni Jenn

"Hayst hindi pa"

"Ayyy ganun. Akala ko oo, ang tagal niyo na diba?"

"Hala, 3weeks palang haha"

"Feeling ko kasi ang tagal niyo na eh hahaha kung hindi pa kayo nagkikiss edi hindi mo pa nakita yung ano niya?" Usisa ni jenn.

"Yung ano?" Tanong ko bigla.

"Yung anooooo. Yung sa baba" at tinuro niya yung bandang ibaba ko.

"Ay baliw ka Jenn hahaha" sabi kong ganun.

"Curious din ako Pat! Dali na, Share mo na hahah" sabi ni Anna

Tumawa lang ako at umoo

"Hahahahahahahaha shit. Malaki ba? Hahahhaha" tanong ni Anna.

Nagtawanan lang kaming lahat.

"Eh kay Brandon Anna? Nakita mo na? Hahahaha" sabi bigla ni Jenn.

"Haha sorry di pa niya nakukuha tong akin hahaha" sabi pa ni Anna.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryWhere stories live. Discover now