Part 38

1.5K 44 1
                                    

Di ko alam kung ano mararamdaman ko sa nakita ko. Si Efren, best friend ko nung high school. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Oh bakit ka natahimik?" Sabi saken ni Efren.

Matangkad to si Efren, lumaki na rin yung katawan at naka braces siya. Matangos ilong niya at mapungay mata niya.

"Bakit natahimik ka?" Sabi ni Efren saken.

"Bakit kailangan mo to gawin" sabi ko sakanya. Si Marine naman nakahawak lang sa balikat ko.

"Gusto ko lang..."

"Mag usap tayo ng dalawa lang." Putol ko sakanya at nag solo kaming dalawa.

Lumakad kami sa malapit sa escalator at dun kami nag usap.

"Bakit Efren?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw lang kasi nagparamdam saken kung gaano ako ka special eh. Akala ko nun straight ka, tapos malalaman ko na lang na may boyfriend ka pala. Feeling ko lang na peke lahat ng pinakita mo saken" paliwanag ni Efren.

"Wag ka mag isip ng ganun Efren" sabi ko sakanya.

"Ayun kasi pinapakita mo! Kaibigan mo ko na nainlove sayo tapos di mo pinansin kasi akala ko hindi okay sayo yung ganung relasyon tapos ngayon, nasa piling ka rin ng isang lalaki" sabi ko sakanya.

"Efren, di ko pa kilala sarili ko nun. Nasa stage pa ko ng denial, pero si Elmer, siya yung nagparealize saken ng totoong love sa piling ng ibang tao" sabi ko sakanya.

Napansin ko ring umiiyak na si Efren.

"Nakita mo naman si George diba?" Sabi ko sakanya

"Pero iba ka" sabi niya

"Alam mo, hindi mo makikita yung halaga ni George kung hindi ka pa nakaka move on. Tanggalin mo lahat ng galit mo saken at magfocus ka sa pagmamahal ni George, makikita mo yung saya at hindi yung puro poot"

Di siya nakapagsalita.

"The mere fact na kaya niyang gawin lahat ng yun saken eh talagang mahal ka niya. Hindi mo ba nakikita? Sinasaktan niya ako para sa pleasure mo at para naman makita mo yung worth niya? Nagfocus ka maghiganti saken pero yung pagmamahal mo sakanya nawawala na."

Di pa rin siya nakapagsalita.

"Nakita kong mahal ka ni George. Di niya gagawin yung mga yun kung hindi ka niya mahal" sabi ko sakanya.

At naiyak na siya ng tuluyan. Niyakap niya ako at humahagulgol sa iyak.

"Sorry Pat. Sorry. Sorry sa lahat ng nagawa namen sayo. Sorry." Sabi ni Efren.

"Shhh shhh. Tahan na. Wag ka na umiyak." Sabi ko sakanya.

Pinunasan na niya yung luha niya at humarap saken.

"Bestfriend pa rin ba kita?" Tanong niya saken.

"Oo naman no! Ikaw lang naman hinihintay ko eh. Wag na lumayo ah!" Sabi ko sakanya

"Sa tingin mo ba makakapagsimula kami ni George ng bago?" Tanong niya saken,

"Oo naman! Wag ka na mag hold ng grudge saken. Focus ka kung anong nasa harap mo ha?" Sabi ko sakanya.

At nagtawanan na kami at bumalik.

Nakita ko silang nakatayo pa rin sa tapat ng sinehan.

"Okay na kayo ganun ganun na lang yun?!" Bunga ni George samen,

Pero sinunggaban agad ng halik ni Efren si George. Napapikit si George at napahawak sa mukha ni Efren.

"Tama na, okay na. Masyado tayong nagfocus dito, magfocus naman tayo sa love story natin" sabi ni Efren.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz