Part 23

1.7K 56 0
                                    

Nagising ako sa katok ni Kobe sa pinto.

"Pat, kain na daw sabi ni mama mo" sabi niya habang nakangiti. May itsura rin to si Kobe eh.

"Ah sige, baba na ako maya maya"

Sinara ko na uli yung pinto at nahiga. Nakaidlip ako ng kaunti at nagising uli sa katok ng pinto.

"Sorry pat, tinatawag ka na kasi ni tita eh" sabi niya saken habang kumamot sa ulo niya.

"Ah sige pasabi kay mama bababa na talaga ako"

Bumalik na ako sa higaan at humiga uli. Chineck ko yung phone ko, 8AM na pala at may texts galing kay Marine.

"Good Morning sa mahal ko na grabe magpasaya saken. Sana maging maganda araw mo kasi ikaw ang nagpapaganda ng buhay ko. I love you mahal!"

"Gising na mahal!"

"Patrick Ramos-Hererra. Gising na!"

"Halikan kita hanggang sa magising ka"

"Ay joke lang yung last text pero gising na please"

Ang cute makarecieve ng ganitong text sa umaga. Nakakaganda ng araw. Nagreply naman ako agad.

"Good Morning sa marine ko na mahal ko. Miss na kita kasi sanay akong palagi kang nakikita. Isang araw na lang makakasama na kita hehe. I love you too"

At nag asikaso na ako at bumaba.

Nagkabanggaan pa kami ni Kobe sa hagdan.

"Aray ko." Sabi ko naman

"Aray hehe sorry pat" sabi niya saken
"Tita andito na si pat" sigaw naman niya kina mama.

Nakita ko sila mama at papa kumakain sa lamesa kasama ang mga kamag anak namen. Hindi ko na inalam kung sino sino medyo marami rin kasi.

Ngayon din pala namen ihahatid si tatang sa sementeryo.

Hapon na ng matapos mahatid si tatang.

Nagsiuwian na rin kaming lahat pero niyaya ako ni Kobe sa inuman.

"Tita, sama ko patrick. Inuman, diyan lang po sa tapat hehe pwede ba?" Sabi ni Kobe kay mama

"Ah sige mag ingat kayo" sabi ni mama

"Ano pat? Okay lang sayo?" Tanong saken ni Kobe

"Ah oo okay lang hehe"

At nagpaalam ako agad kay Marine.

Pero hindi siya nagreply kaya di ko na lang kinulit, baka busy.

Nagbihis ako, nagpalit ng shorts at sando. Si Kobe naman naka sando rin at shorts pero mas bagay kay Kobe yung ganung porma.

Kita kasi yung malaking muscles niya. Bagay sakanya yung kulay green na sando na fit. May hikaw din siya sa kaliwang tenga. Yung matangos niyang ilong na cute tignan.

Pero kahit ganun, mas gwapo pa rin si Marine ko.

Pumunta na kami sa tapat ng bahay at dun nakita ko may limang lalaking nakaupo sa bakuran.

Lahat eto may itsura. At lahat sila probinsiya magsalita.

Si Kobe lang mestiso at lahat sila moreno.

"Uy ikaw na ba si patrick? Di mo ba kami natatandaan?"bati nung isang lalaki saken.

"Ahh sorry hindi ko na talaga matandaan yung pag punta ko rito non eh hehe"sabi kong ganun

"Mark hayaan mo na. Mag inom na lang tayo ngayon haha" sabi ni Kobe. At Mark pala pangalan niya.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryWhere stories live. Discover now