ELMER's POV(Before FINALE)

1.3K 43 0
                                    

Elmer's POV
(Before Finale)

Ang saya saya ko ngayong napakilala ko na rin si Patrick bilang kasintahan ko.

"Tangina mo pat. Titi pala hanap mo ah hahaha" pang aasar saken ni Kuya Allen

"Haha ulol kuya. Wala ako paki sa sasabihin niyo basta mahal ko si patrick"

"Woooooooooooo!!!!" Sigawan ng lahat.

"Ang tagal naman ata ng mahal ko sa labas." Sabi ko sa isip ko

Tumayo ako para puntahan siya pero biglang lumapit saken si mama.

"Tito mo sa US dali!" Sabi ni mama habanh excited ibigay saken yung phone.

"Hello tito?"

"Elmer? Hayup. Ang laki na ng boses mo ah haha"

"Hahaha oh bakit po kayo napatawag?"

"Eh tatanong ko kung tuloy ka rito. Ano? Libre naman lahat eh! Dali na pumayag kana!" Pangungulit ni tito

"Ehhh kasi po......"

"May maiiwan ka siguro diyan no?"

"Opo eh hehe"

"Alam mo Elmer, yung mga ganitong opportunity, minsan lang dumating. Dapat ginagrab mo na yung ganitong chance." Sabi ni tito

Pero natawa ako.

"Tito, yung mahal ko, minsan lang din dumating yung mga katulad niya. Hinding hindi ko na siya papakawalan"

"I really need you here Elmer. Nag usap na kami ng tatay mo, sabi niya kukumbinsihin ka niya"

"Sorry tito. Dito lang po ako"

At binigay ko kay mama yung phone.

Maya maya nakita ko mahal ko na pabalik na saken pero bigla niyang kinuha yung gamit niya at nagpaalam agad.

"Ano nangyari?" Tanong ko sakanila.

Walang sumagot kaya hinabol ko siya.

Hanggang dumating na sa point na umayaw na talaga siya.

Naiwan akong umiiyak sa ilalim ng malakas na ulan.

"Elmer anak, ano nangyari?" Lapit saken ni mama. Niyakap niya ako ng mahigpit. Wala siyang paki kahit mabasa ng ulan.

"Di ko alam ma! Bigla siyang nakipaghiwalay. Kanina ang saya saya namen, bigla niya akong iniwan. Anong problema?!!!" Umiiyak kong sabi kay mama.

"Anak...."

Pero bago pa matapos ni mama sasabihin niya, biglang nagsigawan sila kuya sa loob.

"Ma!!! Si papa!!" Sigaw ni Kuya Argie samen.

Para akong nabuhusan ng tubig at dali daling pumasok sa loob.

Nakita namen si papa na nakahandusay sa sahig at walang malay.

"Anong nangyari?!!!!" Sigaw ni mama habang umiiyak.

"Bigla na lang siyang nahimatay" sabi ni Kuya Argie.

"Ano pang tinatayo niyo!!! Tumawag na kayo ng ambulansya!!!" Sigaw ni mama samen.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Iniwan ako ng mahal ko tapos yung tatay ko naman nasa ospital. Dalawang araw na kami nandito, simula nung gabi nung birthday ko, di pa ako kumakain.

"Anak, kumain ka kahit konti lang." Lapit saken ni mama habang nakaupo ako sa kwarto ni papa dito sa ospital.

"Ma bakit ganun? Alam ko naman na di ako nagkulang pero bakit iniwan niya ako?"

My Marine Love - Pinoy M2M StoryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ