Part 11

2K 65 2
                                    

"Kanina kapa andito?" Galit na sabi ni Alvin saken.

Nakatitig lang si Dan saken. Halatang kinakabahan.

"Eh bakit parang galit ka Alvin?" Sabi naman ni Bryan.

"Wala! Lika na Dan!" Sabay hatak ni Alvin kay Dan.

Umalis na silang dalawa at naiwan na kami Bryan sa may kubo. Pumasok kami at binuksan namen yung bintana.

"Bakit kaya galit saken si Alvin? Wala naman akong ginagawa sakanya" tanong ko kay Bryan

"Hindi ko din alam."

Wala kami masyadong napagkwentuhan ni Bryan sa kubo kaya bumalik na kami sa bahay ni Anna.

Nakita ko si Anna at Brandon na magkayakap. Nakahiga sila sa buhangin at may malaking payong.

Nakita namen si JM na nag iihaw.

Nakahubad lang si JM at tanging suot niya eh boxer shorts. Mestiso talaga si JM.

Nakita niya kami at ngumiti, lumabas yung dimples niya na sobrang nakaka attract.

"Oh. Saken lang dapat tingin mo. Nagseselos ako." Biglang sabi saken ni Bryan.

Tumawa na lang ako.

Kumain na kami. Inihaw na isda at liempo ulam. Nakalatag lang lahat sa dahon ng saging.

Napagpasiyahan din namen uminom pagkatapos kumain.

Sa sala namen napagpasyahang uminom.

Sa sala, may maliit na table sa gitna at napapalibutan ng sofa. Kasya kaming walo sa sofa. May 4 na upuan, kaya dala dalawa sa isang upuang sofa.

Magkatabi kami ni jenn.

Si Brandon at Anna.

Si Dan at Alvin.

Si JM at Bryan.

Pulutan namen yung natirang inihaw na isda at liempo.

Iniinom namen eh Gin bulag na hinalo sa nescafe at melon. Ang weird pero ang sarap ng lasa.

"Ohhhh tara na shot!!!" Sabi ni Anna

"Yeahhhhhh!!! Nakasurvive tayo ng 1st sem wooooooh!!!" Sagot naman ni JM.

Ngayon ko lang narinig boses niya at ang hot.

Naginuman na kami. Puro kwentuhan at hiyawan.

Naubos na namen yung isang pitchel at gumawa pa ng isa pang batch.

Halata sameng lasing na halos at tinamaan. Kaya napagpasyahan nameng maglaro ng spin the bottle.

"Ohhhh kung sino matapatan neto kailangan sumagot sa truth or dare ha?" Palasing na sabi ni Brandon.

Inikot niya yung bote at tumapat kay Dan.

"Wooooooohhhhh! Pare, truth or dare?" Tanong ni Brandon

"Pambihira hahahhahahhaha. Sige truth" sagot niya

"Korny mo naman. Pero sige, Kung may pipiliin kang mahalikan dito sateng lahat, sino yon? Hahahhahaha" tanong ni Brandon

"Pambihirang tanong yan! Si Anna taken, Etong si Jenn naman bantay sarado din, so lalaki lang pagpipilian? Hahhahahahhaha"

"Edi mamili ka sameng mga lalaki hahhahaha"

"Oh sige. Si JM nalang. TROPA ko naman yan eh hahhahaha"

"Tangina pare baka mamaya laplapin mo ko sa sarap ng labi ko hahhahahahhah"sabi ni JM kay Dan

"Hahhahahaha ulol" sagot ni Dan

Nagtawanan lahat at sinimulang paikutin ni Dan ang bote.

Tumapat ito kay Brandon.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryWhere stories live. Discover now