Part 22

1.8K 53 0
                                    

Sa dorm na natulog si Marine at syempre, magkatabi kami.

Ni hindi kami naghubad para magpalabas ng init, nagyakapan lang kami magdamag. Kwentuhan at yakapan uli.

Balak kong magising ng maaga para paglutuan ko siya ng breakfast.

Alam kong 9AM pa pasok niya so kailangan gising na ako ng 6 para makapag prepare.

Since 11PM na natapos ang romantic dinner namen ni Marine siguradong makakatulog ako ng mahaba.

Nagising na ako kinaumagahan, pero wala si Marine sa tabi ko.

Nagising ako sa amoy ng hotdog at bacon.

Bumangon ako at chineck ko yung oras, 7AM na!

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Marine na nagluluto.

Ang gwapo niya panuorin sa boxer shorts niya. Medyo mabuhok yung sa binti niya na masarap din tignan. Nakasuot siya ng apron para di matalsikan ng mantika. At ang hot pa dun, wala siyang damit. Kaya ang sarap niya panuoring nagluluto.

"Magandang Umaga sa mahal ko" bulong ko sakanya sa likod kasi di niya ako napansin na gising na.

"Ayyy gising na mahal ko, Good Morning" at hinawakan niya yung kamay kong nakayakap sakanya.

"Di ka ba hinahanap sainyo?"tanong ko sakanya habang inaamoy ko siya. Ang sarap kasi ng amoy ni Marine, amoy pawis na nakakaadik. Hindi nakakasawa.

"Hala e si mama nga may pakana neto diba? Haha mother knows best talaga. Hehe" sabi naman niya.

Tapos na siya magluto at naghain na sa lamesa.

Nag ayos muna ako ng gamit nameng dalawa para sa pagpasok. Maya maya tinawag na niya ako.

"Mahal tara na kain na tayo" sigaw niya kahit hindi naman kami magkalayo masyado.

"Bakit kailangan sumigaw?"

"Para malaman lang nila na mahal kita!"

"Hehe. Tara na kumain gutom lang yan haha" sabi ko sakanya at ngumiti siya.

"Anong araw ba kahapon?"tanong ni Marine saken.

"Hmmm, November 23, bakit?"

"Oh ayan, 23 number natin ah? Hihi" pa cute niyang sabi saken.

"Opo hehe" at kumain na kami.

Nag asikaso na kami sa pagpasok na dalawa.

9AM din pasok ko kaya sabay na kami umalis.

Nakaakbay siya saken habang papuntang school. Naka marine uniform siyang all white at ako naman naka gray uniform at black pants.

Nakasalubong namen si Anna sa entrance.

"Hi pat! Hihi" bati ni anna samen.

Maya maya nilapitan siya ni Brandon.

"Hi baby!" Sabi ni Brandon kay Anna at nag kiss sila sa labi.

Nakaramdam ako ng inggit sakanilang dalawa. At napansin ni anna yun, tumawa lang siya at nakichismis.

"Ano balita pat?" Sabi niya saken,

"Diba magkakilala na kayo? Anna si Elmer at boyfriend niya si Brandon. Anna, Brandon si Elmer hehe"

Biglang nag high five si Brandon at Elmer at nagyakapan.

"Tangina pare si patrick pala ah hahaha"asar ni Brandon kay Elmer.

"Wag kang makulit diyan baka may sabihin ako kay anna diyan hahahahaha" sabi ni Elmer.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon