Part 16

2.1K 65 1
                                    

First day na ng klase ng second semester at di pa din mawala sa isip ko yung ginawa namen ni Marine nung isang araw.

"Nakatulala ka na naman diyan!" Sabi ni jenn saken habang naghihintay ng prof sa room.

"Ah may iniisip lang haha" sabi ko nalang

"Baka naman si Elmer yan haha" pang aasar niya

Sasagot sana ako pero pumasok na yung prof.

Same prof lang last sem, si Sir. Kenneth! Iba na dating niya ngayon, mas lumaki katawan at parang mas pumpogi.

"Good Morning class. So yung ibang mukha familiar, actually almost lahat ata familiar hehe so wag ng introduction ah? Attendance na lang." Sabi ni sir samen,

"Yes sir."sagot ng lahat.

"Mag attendance na lang ako tapos dismissed na"sabi pa ni sir.

Habang nag aattendance si sir, tinawag na niya apelyido ko.

"Ramos?" Sabi ni sir

"Present" sabi ko at sabi din ng isa kong kaklase.

"Uhm George Ramos?" Ah sir present. Sabi nung kaklase kong isa. Bago ata nameng kaklase sa subj na yun.

"Patrick Ramos?"

"Ah sir present po." Sabi ko naman.

May itsura din tong si George ah. Matangkad saken at moreno. Medyo payat pero yung saktong payat lang. Pansin kong puro kulay blue gamit niya kasi kulay blue bag niya. Blue din watch niya tapos yung eyeglass niya naman kulay blue yung sabitan.

Di na lang namen pinansin nila jenn yumg bagong kaklase pero napansin namen nung nasa next class na kami andun pa rin siya.

Yung prof namen sa English, gusto naka arrange kami alphabetically. So, magkakatabi kami ni Jenn kasi Pangilinan apelyido niya, Si George kasi Ramos siya at ako kasi Ramos din apelyido ko.

Kinausap naman ni Jenn yung bago nameng kaklase kasi umalis yung prof namen sa room.

"Uyy kuya transferee kaba?" Tanong ni jenn

"Ahhh hindi, nag stop kasi ako ng 1yr tas tinuloy ko lang ngayon hehe" sabi naman niya.

Malambing boses niya na gusto mo lang siya marinig magsalita maghapon.

"Ahhhh okay okay!" Ayun na lang nasabi ni jenn.

Di na kami nagkwentuhan kasi di naman din ako interesado hehe.

Nagtext si marine saken.

"Hi baby!" Text niya

Kinilig ako sa text niya saken.

"Wrong send ka?" Sabi ko na lang

"Hala hindi para sayo talaga yun EE hehe" sabi niya

"Anong meron bakit parang ang saya mo?" Sabi ko sakanya.

"Wala naman. Anong balak mo pagtapos ng klase?" Sabi naman niya

"Hmm wala naman. Hindi naman nagyayaya sila jenn eh hehe bakit?"

"Tara alis tayo! :)))"

"San naman tayo pupunta???"

"Sa SM Manila na lang" sabi niya.

At pumasok si Bryan, late siya sa klase buti walang prof, sinenyasan namen na seating arrangement kaya naman pumunta siya sa pwesto niya.

"Tara! Basta libre mo ha? Haha"sabi ko naman

"Hala sige sige tignan natin haha" reply niya

"Anong oras ba tapos ng klase mo???" Sabi ko habang kinikilig talaga sakanya.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryWhere stories live. Discover now