Part 6

2.6K 80 5
                                    

"Gusto mo ba?"

DiyosKopo! Kakatapos lang kanina gusto na naman.

"Gusto mo ba kako neto? Fudgee barr?" Inaalok pala niya ako ng fudgee barr.

"Ahhh e busog ako eh. Salamat nalang" sabi ko sakanya.

"Akala mo kung ano no?" Biglang ngumisi saken.

Ang cute niya lalo pag ngumingiti. Ang linis kasi ng gupit kaya kitang kita mo ung hitsura niya. Gwapo talaga at hindi nadaan sa magandang buhok.

"Bakit ba?" Medyo painis kong sabi.

"Magpapaturo sana ako sayo. Sa math. Engineering student ka diba?mas magaling ka sa math. Paturo." Pagpapa cute niya.

Nakakaasar. Ang cute niya kasi talaga.

"Ahhh sige. Wala na ko klase pag tues at thurs ng 3PM" sabi ko sakanya.

Hindi talaga ako makatingin ng diretso sakanya.

"Thursday bukas, so pwede bukas na? Wala naman ako klase eh." Sabi niya. At ngumingiti siya sakin. Nakakainis sobrang cute talaga.

"Ahhh sige text mo nalang ako. May klase na ako eh. Sige" sabi ko. Pag talikod ko naman eh napangiti ako sa kilig. Ang hirap magtago ng kilig sakanya. Buti na lang napipigilan ko kahit papano.

Nagtext siya agad agad

"Nakita kong ngumiti ka. :)"

Nahihiya ako lalo. Kaya di na ako nagreply at pumasok na ko sa klase. Filipino yung last subject kaya medyo boring.

Natutulog si Anna at Jenn. Wapakels lang ung prof namen, si Alvin naman hindi pumasok, may lakad daw.

Si Bryan tumabi saken, medyo naiilang ako pero hinahayaan ko na lang.

May binigay siya sakeng papel.

Nakasulat "Hi! :)"

Tumingin ako. Nakangiti saken. Ang ganda ng ngipin niya talaga. Ang amo din ng itsura. Nagsulat din ako sabay bigay sakanya. Sabi ko

"Yes?"

Sabi niya

"Wala man lang smiley:("

"Ayan na :)"

"Yehey. May lakad ka mamaya? Alis tayo"

"San tayo punta?"

"Luneta?"

"Luneta? Di ka sure?"

"Oh sige Luneta. :)"

"Di ko alam eh. Kasama ba sila jenn?"

"Gusto ko tayong dalawa lang :")"

"Ah tignan ko muna"

"Say yes say yes!"

Inisip ko kung may lakad ba ako. Sige wala naman ako gagawin so okay na lang din.

"Sige. Basta libre mo hehe" sabi ko

"Sure sure! Yehey :)))))))))))"

Tuwang tuwa si Bryan. Tumayo siya at bumalik sa upuan. Maya maya nagtext si Marine.

"Uy bukas ah?paturo :))"

"Oo smile emoticon" sabi ko sakanya

"Wow may smiley!! :))" sabi niya

Di ko na nireplayan. Ang cute niya talaga.

Natapos na yung klase at naguwian na sila. Nagpaalam na din si Jenn. Nakita ko naman si Anna na may kasamang marine, gwapo nga at matipuno pero hindi si Marine ko. smile emoticon

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon