Extended Part 21

1.7K 55 0
                                    

Ang gwapo ni Marine sa suot niya. Mapungay pa ng mata niya. Tuwang tuwa siya sa ginawa niya para saken, eto naman ako kinikilig habang nakatitig sakanya.

Kumakain ako ng Spaghetti na luto ng mama niya, ang sarap nga. Nakita ko rin siya kumakain pero nakatingin saken at nakangiti.

"Bakit ka nakangiti diyan? Haha" tanong ko sakanya habang nakatitig din sa mata.

"Wala, Sobrang cute mo lang. Tapos ang cute mo pa kumain ng spaghetti, kakagaling mo lang McDo eh ang dami mo pa ring kinakain haha." Sabi niya naman. Nakangiti pa rin siya.

Nakakainis kasi sobrang pogi niya talaga. Di ko alam kung nagpapacute o natural na lang niya yun pero sobrang gwapo talaga niya. Kinikilig ako sa bawat tingin niya saken.

"Nilakad ko lang kasi simula McDo hanggang dito tapos umikot pa kami sa Malacanang, edi malayo layo ding lakad yun" sabi ko

"Kasama mo sila jenn?" Tanong niya saken.

"Hindi, kasama ko si Dennis at boyfriend niya. Yung kasama ko sa Chatime non" paliwanag ko.

"Parang iba tingin ko dun sa Dennis na yun, feeling ko may masamang balak hmp"sabi niya at nagbuhos siya ng wine sa baso namen.

"Tropa ko yun, walang gagawing masama yun wag ka mag alala hehe" sabi ko naman habang uminom ng wine.

"Wow ang sarap!" Bigla kong sabi.

"Nag eenjoy ka ba?" Bigla niyang tanong.

"Oo naman. Sobrang unexpected neto, nako mamaya sa simula lang to ah? Hehe joke lang" sabi ko naman.

"Hehe gusto ko lang mapasaya ka ng todo. Hindi ko tatapusin yung araw na malalaman kong hindi ka masaya" sabi niya saken at kinindatan ako.

"Bakit ngayon ka lang dumating saken? Haha. Sobrang sweet mo Elmer. Bakit ka ba ganito saken? Ano bang nakikita mo saken?" Tanong ko sakanya.

"Diba nga sabi ko na sayo, Binago mo ko. Bihira yun para saken, Ikaw lang nakagawa nun. Gustong gusto ka rin nila mama at kuya diba? Ano pa ba hahanapin ko? Syempre ikaw lang!" Sabi niya saken.

"Minsan kasi titingin ako sa salamin, hindi naman ako ganun ka gwapo para pagbigyan mo ng atensyon. Wala naman something special saken." Sabi ko sakanya habang naiiyak.

"Hindi naman itsura habol ko sayo, at kung sa itsura lang sobrang cute mo kaya. Nakakagigil ka nga sa ka cutean eh."

"Natatakot ako na baka one day marealize mo, hindi pala ako hinahanap mo tapos ako, nabigay ko na lahat sayo. Ako lang kawawa"

"Hinding hindi ako magsasawa sayo. Hindi kita ipapakilala sa magulang ko kung hindi ako sigurado. Kaya wag mo isipin yan ha?" Sabi niya saken.

Tapos na kami kumain at tumayo kami. Lumapit kami sa kama at inabot saken si Shrek.

"Ayan si Shrek! Halos kasing laki mo yan ah haha tuwang tuwa kasi ako dun eh, ikaw naiisip ko sa movie na yun. Yung ang saya saya ng pinapanuod ko tapos ang saya saya kasi naka higa ka sa dibdib ko nun. Ang sarap sa feeling" sabi niya habang nakatitig sa stuffed toy na Shrek.

Sinuot na niya yung singsing saken at sinuot ko na rin sakanya.

"Para naman tayong kinasal haha" sabi kong ganun.

"Hehe masyado pang maaga diyan, enjoyin natin kung anong meron tayo ngayon at siguradong darating tayo diyan!" Sabi niya saken.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Lilibutin natin ang Pilipinas. Bago tayo maka graduate pareho, nakapunta na tayo sa Luzon, Visayas at Mindanao." Sabi niya saken.

Magkaharapan na kaming dalawa at nagkatitigan.

"Mag iipon tayo at kada buwan aalis tayo. Pupunta tayo sa iba't ibang lugar" sabi ko sakanya.

"Gusto ko yan. At gusto ko tayo lang" sabi niya naman.

"Oo, pero gusto ko magsisimba muna tayo tapos magpapasalamat ako kay Lord at binigay ka niya saken." Naiiyak kong sabi.

Hinawakan niya yung mukha ko at pinunasan yung luha ko.

"Mahal na Mahal kita Patrick" sabi niya saken. Nakatitig siya sa mata ko at ramdam kong sincere siya. First time niya sinabi saken to kaya kinilabutan ako.

Ngumiti ako at Naiyak.

"Mahal na Mahal din kita" sabi ko sakanya.

Ngumiti siya ng malaki.

"Talaga?!!!!" Gulat niyang sabi

"Mahal naman talaga kita eh, gusto ko lang sabihin ngayon" sabi ko.

"Holy shit!!!! Talaga????? Wooooooh mahal niya ako!!!" Sigaw niya sa dorm.

"Wag ka maingay diyan uy!!!" Sabi ko sakanya

"So tayo na?" Sabi niya habang nakapigil yung ngiti niya.

"Oo, tayo na" sabi ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Di mo alam kung gano mo ko napasaya!!!!!" Sabi pa niya habang nakayakap siya saken.

Ngumiti ako sa sobrang saya. Magkaharap na uli kaming dalawa.

Ready na akong mahalikan siya, tinignan ko siya sa mata niya. Napakaganda ng mata niya, ngayon ko lang napansin medyo brown pala mata niya, yung kilay niya na medyo makapal, Yung sobrang tangos niyang ilong at yung mapupulang labi niya na binasa niya ng dila niya.

Tinignan ko siyang mabuti. Hinawakan niya yung pisngi ko gamit dalawa niyang kamay.

Dama ko init ng palad niya.

Tumahimik lahat. Ang tahimik sa loob ng dorm, tanging naririnig ko lamang yung kanta ni Madonna na Crazy for you na naka repeat.

Nilapit niya yung mukha niya. Palapit ng palapit.

Bumibilis tibok ng puso ko sa bawat eksena. Unti unti kong pinipikit mga mata ko. Naghihintay kung anong mangyayari.

Ramdam ko na yung paghinga niya.

Magkadikit na ilong nameng dalawa.

Nakapikit pa rin ako.

Nag nose to nose kami at narinig kong tumawa siya. Napangiti rin ako sa ginawa niya.

Biglang naramdaman ko na lang yung lab niya. Yung mainit at mabasa basang labi niya.

Hinalikan niya ako sa noo.

Ang tagal niya akong hinalikan sa noo.

Nakapikit pa rin ako at bigla na niyang tinanggal labi niya sa noo ko.

Dinilat ko na mga mata ko at nakita ko reaksyon niya.

Naluluha siya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya.

"Sobrang saya ko lang. Hinding hindi ko makakalimutan tong pangyayaring to." Sabi niya.

Ngumiti ako at pinunasan ko mga luha niya.

"Bakit di mo ko hinalikan sa labi?" Sabi ko sakanya na may pagtampo.

"Hindi kasi ganun naiimagine kong first kiss eh. Gusto ko special sayo. Para after nun, hahalikan lang kita ng hahalikan. Haha" sabi niya.

Di ko alam sasabihin ko. Sobrang swerte ko sakanya.

Pumikit ako sandali at tinigan ko uli siya sa mata.

"I love you" sabi ko sakanya,

Sobrang laki ng ngiti niya.

"I love you too!" Sagot niya agad.

"I love you mahal" sabi ko sakanya

Sobrang mahal na mahal ko talaga siya. At kita ko rin sa mukha niya yung saya.

"I love you too maha!"

My Marine Love - Pinoy M2M StoryWhere stories live. Discover now