17- Troubled Hearts

Start from the beginning
                                    

"Oo naman! Konti na lang ay papasa na akong stalker niya. I had a huge crush on her since she started hosting Pretty in Purple. Too bad she quit on the show already."

"G-Ganun ba?" Kung totoong hindi ako si Anya, mapipikon ako sa lalaking ito. Aba tama ba namang mang-approach ng babae dahil lamang kamukha ito ng crush niya?!

"How about you? Fan ka rin ba ng kamukha mo?" tanong niya.

Napatanga ako ng ilang saglit. "Ah.... m-medyo. Pero b-bibihira kasi akong manood ng show niya. W-Wala akong hilig sa mga fashion-fashion na yan," utal na paliwanag ko.

"I see," kumbinsido namang sagot nito.

He poured wine on his glass and then looked at me with some seriousness. "So Annie, tell me about yourself."

"A-About myself? K-Kagaya ng ano?" napapangiting wika ko.

"Kung bakit ngayon lang kita nakilala. After seven years of my friendship with Lander, bakit ngayon ko lang nalaman na may napakaganda pala siyang pinsan."

Mahinhing tumawa ako nang napapatakip pa kamay sa bibig. Wow lang. Sanay na sanay mambola ha!

"Ngayon lang kasi ako nakapagdesisyong magbakasyon sa kanila. S-Sa Maynila kami madalas magkita-kita dati. Kaya lang nitong mga nakaraang buwan n-nagka asthma ako at sabi ng doktor kailangan ko daw ng sariwang hangin."

"Ah taga Maynila ka pala." His eyes were focused on my outfit again. "You look too reserve for a Manila girl."

Kiming tumawa ulit ako sabay ipit ng buhok sa aking tenga. Lander utang na loob bumalik ka na dito bago pa man ako maubusan ng kasinungalingan!

"G-Ganito talaga ako. Bata pa lang ay may pagka old fashion na."

"Annie I hope you won't mind me asking this, may boyfriend ka na ba?"

Muntik na akong maubo kung kaya't patay malisya muna akong uminom ng wine. "Wala pa. Most of the guys find me boring," pag-discourage ko sa kanya.

"Who said that?" lukot ang noong sabi niya. "For me, I find you mysterious."

Kunway natawa ako. "Nasasabi mo lang yan dahil kamukha ako ni Anya!"

Pasimple kong nilingon ang kinaroroonan ni Lander. Nagtagpo agad ang mga mata namin. He was glaring at me. Naramdaman ko agad na hindi siya natutuwa sa kanyang nakikita. I was instantly reminded by his order na huwag akong basta-basta makikipag-usap sa iba.

Pasimple ko siyang nginiwian. If you care, bumalik ka dito at paalisin mo tong kaibigan mo! I expected him to return to my side but after giving me sharp gazes, he continued chatting with the women.

Aba gusto mo yan ha!

"Hanggang kelan ka ba sa Villa Rafael?" Melvin continued.

"Siguro mga ilang linggo pa." I smiled at the guy whom I'm talking to. This time without hesitation. Binigyan ko siya ng isang ngiting Anya.

Napatanga ito ng ilang saglit. His eyes sparked and his cheeks slightly blushed. He pulled his chair closer to mine. He rubbed his chin habang patay malisyang napapalinga-linga sa paligid.

"I guess you're bored. Gusto mo bang makita ang ilang magagandang parte ng aming hardin?" aya niya ng may pilyong ngiti.

I looked around too with smile on my face. Pagdaan ng mga mata ko kay Lander ay mabilisan ko itong tinaasan ng kilay.

"Sure!" masiglang sagot ko kay Melvin.

Bakas agad ang excitement sa kanyang mga mata. Tumayo kami bitbit ang kanya-kanyang glass wine. Bago umalis ng mesa, binigyan ko muna ng panakaw na irap si Lander.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now