Chapter 38: Everything happens for a reason

Start from the beginning
                                    

"Bastos ka! You little..."

SLAP!

Sinampal nanaman niya ako pero wala na akong pake. Manhid na kung manhid. Kailangan naming makatakas ni Julia dito.

"Kailangan ko? Kailangan ko? Layuan mo si Daniel! 'Wag mo na siyang lapitan, kausapin. Maglaho ka na! Yun ang kailangan ko! Naintindihan mo?" sigaw niya rin sa’kin. Para siyang baliw na sobrang obssessed.

L-Layuan si Daniel? Parang hindi ko na kaya ah. Mahal ko na siya eh. Diyos ko po! Ano bang nangyayari? Napabuntong-hininga ako at nag-isip sandali.

"Eh paano kung ayaw ko?" bigla kong nasigaw sa kanya. Hindi ko kaya eh. H-Hindi...

"Kung ayaw mo? Ha? Ha? Mamamatay ka! Papatayin ko kayong lahat! Kung gusto mo pang makalabas dito nang buhay. Lalayuan mo siya! Intiendes?" sigaw niya sa’kin. Nanlalaki pa yung mata at butas ng ilong niya at galit na galit. Sobra. Kinilabutan pa ako sa sinabi niyang yun. She was darn serious about this. Hindi lokohan 'to. Sino bang may galit sakin?

"Zharm? Ikaw ba yan?" mahinahon kong tanong. Naninigurado lang.

"Pfft! Hahahahaha! Zharm? Zharm? Like what the hell. No! Isa pa yung babaeng epic fail na ingleserang yun eh. Wala naman na siyang silbi dahil ayaw na ni DJ sa kanya. Tss. Pake ko dun. Wala pa sa kalingkingan ko yun eh. Nakakatawa ka, promise! How dare you compare me with that... ugh... Ahahahahaha!" maarte niyang sabi, parang baliw talaga. Nakakainis tumawa, parang witch.

"Then who the hell are you?! Seriously? Kaya mong pumatay? Para lang sa isang lalake? Ano ka tanga?"

SLAP!

And she slapped me again. Namumula na yung mga pisngi ko. Kung alam niyo lang, grabe siyang manampal, sobrang sakit.

"Hindi ka naniniwala sakin? Pwes... Maniwala ka na!" sabi niya. She snapped her fingers and then boom!

May nagsilabasang mga lalaki na puro may hawak na mga baril, nakablack mask silang lahat, puro rifle yung dala nila. Siya din, biglang naglabas ng baril, caliber 45. Dyusme! Kinakabahan na ako. M-Mamamatay na ba ako? Kami? L-Lord! K-Kayo na pong bahala sakin.. samin ni Julia. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay. Hindi kaya! Nanlaki tuloy yung mata ko... p-patay na ba siya?

Hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko. Patuloy lang sa pag-agos at parang walang balak na huminto. Everything is a blur.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now