sorry sa update >.>

Chapter 46

 

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Andie. Malalim na ang gabi at ako nalang ang gising. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang makasama pero natatakot ako na baka… mahalin ko pa siya lalo. Dapat ko na siyang kalimutan. Dapat ko na siyang hayaan.

Kakatok ba ako o hindi?

Kakausapin ko ba siya o hindi?

“An---“ Huminga ulit ako ng malalim para sana tawagin na siya pero napansin kong nawala na yung ilaw sa kwarto niya, hudyat na matutulog na siya.

HInawakan ko ang doorknob niya nang bigla itong gumalaw at bumukas ang pintuan.

“Andrea?” Hindi makapaniwalang tanong niya nang makita ako.

“Hi” Casual lang na bati ko sakanya.

Umatras siya kaya naman pumasok na ako at umupo sa sofa.  

“I thought you wo---“

“Then you thought wrong. Aalis ka ba dahil saakin?” Nakatingin lang ako sa nag-iisang stuffed toy na meron siya sa kwarto niya. Hindi din siya lumalapit saakin ngayon, siguro natatakot na baka katakutan ko siya ulit.

“Oo. Ayaw ko ng matakot ka saakin. Mas masakit kasi yun kesa nung pinagtatabuyan mo ako.”

“Kahit naman ituloy natin madami na ang pupuna. Andie, madami pang iba.”

Ngayon? Ayaw ko talaga ang mga lumalabas sa bibig ko. Madami ngang iba pero hindi naman siya ang ibang yun.

“Pero  alam mo ba? May hindi ako pinagsisisihan. Huminto ako at saka muling itinuloy ang sinasabi ko; “Yun ay nung sabihin ko sayong patunayan mong mali ako.” Tumayo ako at unti-unti akong lumapit sakanya.

“Andie.” kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabantang luha ko. Hindi ko alam kung paano uumpisahan. Hindi ko alam kung paano magpapaalam. Basta ang alam ko, gusto ko siyang makasama ngayong gabi.

Niyakap ko siya na siyang dahilan ng kanyang pagkagulat.

“Kung natakot man ako dahil nagpakatotoo ka, it’s okay. Hindi talaga yun maiiwasan.” Mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.

Hindi ko alam kung bakit ang ingay ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko lang na magkausap kami.

Gusto ko siyang makasama bago kami tuluyang magkahiwalay. Gusto kong sabihin sakanya na mahal ko siya. Pero gusto kong matigil na ang lahat kinabukasan.

“Stay with me tonight. I won’t do anything. I promise. Just stay.” Pabor niya.

Nag-usap kami na para bang walang nangyari. Na para bang hindi nangyari ang lahat.

Magkatabi kami sa higaan na para bang walang problema.

Na parang walang pinagbago.

Nakayakap lang siya saakin at para bang ayaw niya akong pakawalan. Ramdam ko naman na mahal niya ako. Pero sadyang may hindi tama.

Sadyang parang hindi kami itinadhana.

Na kahit sobrang lapit namin sa isa’t-isa parang ang layo pa din sa katotohanan.

Parang may nagdidikta talaga na dapat ay maghiwalay na kami.

Parang sinasabi na ito na talaga ang huli at dapat sulitin na.

***

Naramdaman ko ang paggalaw ng katabi ko. May araw na pero ayoko pa din umalis sa tabi niya.

“Go back to sleep.” He said. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko ito ng mahigpit at saka siya nginitian. Takot ako na baka pag nakatulog ulit ako ay umalis na siya. Pumikit ulit ako at ibinulong ang mga katagang kagabi ko pa gustong sabihin sakanya.

Nang muli akong magising, katulad ng inaasahan ko ay wala na nga siya.

I regret nothing.

***

ang may magandang comment sakanya ko idededic yung chapter XDDD

vote and comment LOL

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!