sorry sa update T^T


Chapter 31

 

 

Tinitignan ko ulit ang picture na nakita ko sa bahay. Masaya sila. Mukha silang isang masayang pamilya.

“Andrea” tinago ko yung picture nang pumasok si Zydn sa kwarto. “ano, dinalhan kita ng pamalit mo” inabot niya saakin ang puting T-shirt at saka skirt.

“sa kapatid ko” linaw niya kaya naman tumango nalang ako.

“sa labas lang ako” parehong scene, magkaibang bahay, magkaibang tao.

Bakit siya pa? Bakit hindi yung isa?

Lumabas ako ng kwarto matapos kong magbihis. Wala ang mga magulang ni Zydn at wala din ang sinasabi niyang kapatid. Maid lang ang nandito at wala ng iba.

“nasaan sila?” tanong ko sakanya habang hawak-hawak ang isang picture frame ng pamilya niya.

“U.S, dun silang lahat. Mas pinili ko lang talagang bumalik dito”

“dahil sa nangyari saakin?”

“oo dahil sa nangyari sayo”

“bakit? Hindi mo naman ako kilala. Hindi naman kita ganun kakilala” inilapag ko ulit ang frame kung saan ko siya kinuha.  Hindi niya ako sinagot, ngumiti lang siya at saka humiga sa sofa.

Mayaman sila, malaki ang bahay pero hindi halata kay Zydn. Mas pinipili niyang makibagay sa mga tao sa paligid niya.

“si Henessey, mahal mo pa?” naglakad ako hanggang makarating sa carpet at saka doon umupo.

“hindi ko alam. Siguro, ewan.”

Kumuha ako ng magazine at saka ko ito binuklat. Tinignan ko din muna ang direksyon kung nasaan si Zydn. Nakapikit siya at halatang pagod.

“bakit lagi kang nandyan para saluhin ako?” tanong ko sakanya habang binabasa ang mga nasa magazine.

“ewan siguro kasi gusto ko lang” inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagbabasa.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa tumunog ang cellphone niya.

“paano kung ayoko?” napatingin ako sakanya, nakaupo na siya ngayon at parang inaasar ang kausap niya sa kabilang linya.

“may kasama ako, okay lang ba?”

“hahaha hindi! Kaibigan ko lang” tumayo ako saka tumabi sakanya. Nagulat naman siya nang nilapit ko ang tenga ko sa cellphone niya.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!