Chapter 45

 

Nasa park lang kami ni Zydn ngayon. Alam kong sinasamahan niya ako at hinihintay ang mga sasabihin ko. Alam kong nandito siya para makinig. Alam ko yung intensyon niya bilang isang kaibigan. Huminga ako ng malalim bago mag-umpisa.

“I can’t get Andie off my mind. I like him too much.” Huminga ulit ako ng malalim at saka dahan-dahang nagduyan.

“Hindi ko siya kapatid at hindi din siya anak ng tinatawag niyang mommy. Hindi niya kadugo ang kapatid ko at hindi pa din siya inampon ng papa ko.”

“I just want him to stop.”

“You like him but you want him to stop. That’s absurd.”

“I know it’s silly.” Pero dahil sa mga ginagawa niya lalo lang niya akong pinapalayo sakanya. “Why are we talking about this anyway?” Tumayo ako at saka nag-umpisang maglakad pauwi sa bahay ni mama.

“Sa tingin mo ba hihinto nalang siya ng basta-basta? Makakaya mo ba kapag nawala siya?”

“Hindi ko alam Zydn. Hindi ko alam.”

***

Nakasuot ako ngayon ng isang pulang dress. Makintab ito at simple lang. Nandito ako sa bahay ni mama at hinihintay si Zydn para sunduin ako.

“Anak! May sasakyan sa labas baka siya na yan.”

“Wala namang sasakyan si Zydn ma.”

“Malay mo naman nagrent para lang sayo.”


Medyo maayos naman na kami ni mama kumpara dati. Hindi na niya ako tinataasan ng boses katulad noon at hindi ko alam kung umaasa pa din ba siya kay papa.

Pinuntahan ko si Zydn sa labas. Hindi ko alam kung bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako hindi dahil kay Zydn kundi sa taong lumabas mula sa familiar na sasakyan.

“Andrea.” Nakita ko siyang napalunok ng ilang beses bago ako nilapitan.

“What are you doing here?”

“Sinabi ko kay Zydn na ako nalang ang susundo sayo.”

“I’m sorry.” Tuloy niya.

Sumakay ako sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang may iba kay Andie ngayon. Hindi siya nakakatakot.

Nakatingin lang ako sa labas habang nagmamaneho siya. Pareho kaming hindi umimik hanggang makarating sa venue.

“Thanks.”

“Andrea I’m sorry. Gusto ko lang naman sabihin na lilipat na ako ng school. Yung malayo sainyo. Sasamahan ko si daddy sa pag-alis. Hindi na kita pipilitin sa relasyon. I’m sorry.”

Hindi na ako nag-isip pa ng sasabihin kaya naman hinayaan ko nalang siya at umalis na. Agad ko din naman nakita si Zydn na nakatayo sa hindi kalayuan.

“Bukas ang alis ko. Kung gusto mo kahit ngayong gabi lang Andrea. Ibalik natin ang dati bago kita layuan ng tuluyan.”

Hindi ko alam kung bakit masakit. Hindi ko din alam kung bakit hindi na ako sumagot pa. Dahil kahit gustuhin ko man siyang pigilan. Wala na. Hindi ko kaya.

Masaya naman ang prom.

Lahat ng tao ay nagsasaya maliban lang saamin ni Zydn.

Katulad ni Andie, iba din si Zydn ngayon. May malalim din siyang iniisip.

Nang matapos ang event na ito, nagpahatid ako pauwi kina papa para kahit ngayon lang, kahit hanggang bukas lang makasama ko siya. Dahil aminin ko man o hindi alam kong halatang-halata naman na mahal ko siya. Na mahal na mahal ko si Andie.

 ****

heto lang nakayanan ng powers ko. tinatamad kasi talaga ako e >3<

sorry na TToTT nasa utak ko lang yung next scene e. Tinatamad lang kasi talaga ako. dapat mahaba-haba to e TToTT HAHAHAHA KATAMARAN MODE!

 sa lahat ng nagcomment ng mahahaba sa last chapter! LOL! salamat po! dedicated sainyo ang chapter na to! kahit mas mahaba pa comment niyo kesa sa UD ko XD

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!