Chapter 18

 

Pinagmamasdan ko si Ivy habang Masaya siyang kumakain. Magaan naman ang loob ko sakanya pero salungat talaga ang ugali namin. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapakisamahan.

“gusto mo din?” natutuwa niyang alok saakin ng siomai.

“I don’t eat siomai” kinagat ko nalang yung sandwich na binili ko.

“boring mo naman. Ang sarap sarap kaya nito! Tikman mo na dali” pilit niya saakin habang suot suot ang napakalaki niyang ngiti.

“no thanks”

Sinagot lang niya ang sinabi ko ng isang pa-cute na pout. Normally naiinis ako sa mga babaeng nagpapout. Mga pa-cute. Pero somehow, Ivy doing that disgusting gesture is okay with me.

“aren’t you tired?” tanong ko sakanya.

“hah? Di naman ako tumakbo a! in fact dahil kumain ako ngayon ng madami na-energize nanaman ako!” buong pagmamalaki niya, but she didn’t get my question at all.

“hindi yun” slow siya. “aren’t you tired dealing with someone.” I paused for awhile “ahm, like me?” tumingin ako sa lamesa at saka ko ininom ang ice tea ko.

Why did I ask her that anyway? Stupid Andrea. Of course, may nililihim siya. May nalalaman siya. Not because she like to.

“bakit naman ako mapapagod? Masaya ngang kulitin ka araw-araw. Naiinis ka pero hindi mo naman ako pinipigilan. Nakakatuwa ka. Interesting ka kasi Andrea” walang interesante saakin. Kailanman hindi naging interesante ang buhay ko. Ang nakaraan ko, ang ngayon ko at ang kinabukasan ko.

“may boyfriend ka ba?” nagulat siya sa biglang tanong ko sakanya. Siguro iniisip niyang aagawin ko na ang boyfriend niya. Ganun naman sila parati. Ang tingin saakin mang-aagaw, totoo naman at hindi ko iyon ikinakaila.

“don’t worry di ko siya aagawin” I sighed.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!